• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BABAENG TULAK NG BAWAL NA DROGA, NAHULI SA TONDO

ARESTADO ang isang babae na umanoy tulak ng illegal na droga sa isang buy bust operation nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA- Region 3 sa Tondo, Maynila.

Sa report ni PDEA-3 Regional Director Christian O. Frivaldo kay PDEA Director General Wilkins M Villanueva, kinilala ang suspect na si Belinda B. Buzon, 32 ng #704 Delpan Street, Binondo Maynila.

Tinatayang  100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱680,000 ng narekober s apag-iingat ng suspek.

Sinasabing konektado ang suspek sa isang malaking sindikato ng bawal na droga sa Central Luzon na kabilang sa high value target ng mga otoridad.

Ang suspek na nasa kostudiya ng PDEA ay kakasuhan ngayon ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Dagdag isolation facilities bubuksan na rin sa mga PROs sa NCR Plus – PNP

    PROBLEMA ngayon ang isolation at quarantine facilities sa mga kampo ng Philippine National Police (PNP) dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng Covid-19 sa bansa.     Kaya ipinag-utos na ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na magdagdag ng mga isolation facilities hindi lamang sa Camp Crame kundi maging sa mga Police Regional Offices […]

  • JOHN LLOYD, ipinagtanggol ni DEREK dahil mabuti itong ama kay ELIAS; nagkaroon ng dalawang birthday celebration

    NAGKAROON ng dalawang birthday celebration ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias sa pamamagitan ng Spiderman-Themed Parties na hinanda nina John Lloyd, Ellen Adarna at Derek Ramsay.     Naunang nag-celebrate ng 3rd birthday ni Elias kasama ang kanyang daddy JLC at may simpleng caption ang IG post niya ng, […]

  • RTF-ELCAC, hinikayat ang CHR na imbestigahan ang presensiya ng 4 na menor de edad sa ginawang pag-aresto sa Tarlac farmers

    HINIKAYAT ng  Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) ang Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang presensiya ng apat na menor de edad na kasama sa inaresto sa Tarlac noong Hunyo 9.     Sa press conference, hinikayat ni Western Visayas RTF-ELCAC prosecutor Flosemer Chris Gonzales ang CHR na alamin […]