• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 8 most wanted person sa Valenzuela, nabitag sa Pangasinan

NAGWAKAS na ang mahigit sampung taon na pagtatago sa batas ng isang lalaki na nasa top 8 most wanted person ng Valenzuela City Police Station (VCPS) matapos kumagat sa pain ng pulisya na makipag-date na dahilan ng pagkakaaresto sa kanya sa Pangasinan.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni VCPS chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong akusado na si alyas Nelson, 36, residente ng Asingan, Pangasinan.

 

Dakong alas-5:20 ng hapon nang maaresto ang akusado sa Zone 1, Brgy. Carosucan Sur, Asingan, Pangasinan ng pinagsamang mga tauhan ng VCPS Intelligence Section (SIS) at Asingan Municipal Police Station.

 

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang SIS na nagtatago umano ang akusado sa Pangasinan hanggang sa magawa nilang malaman ang Facebook account nito kaya isang pulis ang nakipag-chat sa kanya.

 

 

Ayon kay P/Major Randy Llanderal, hepe ng SIS, ilang araw din umanong magka-chat ang akusado at isa niyang tauhan hanggang sa kumagat ito sa pakikipag-date sa pulis kaya nalaman nila ang pinagtataguan ni ‘Nelson’ sa Pangasinan na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

 

 

Si ‘Nelson’ ay binitbit sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong frustrated murder na inilabas ni Presiding Judge Evangeline Francisco ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270, noong March 18, 2021.

 

 

Sinabi ni Major Llanderal na nasangkot si ‘Nelson’ sa pananaksak sa rambulan sa Brgy. Dalandana ng lungsod at nasentensiyahan umano ng korte noong 2013. (Richard Mesa)

Other News
  • 12-anyos na estudyante natagpuang patay sa Malabon

    PALAISIPAN sa mga awtoridad at sa pamilya ng 12-anyos na Grade 6 student na natagpuang patay habang may nakapulupot na lubid ng duyan sa leeg sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City.     Dakong alas-7 ng gabi noong sabado nang madiskubre ang bangkay ng 12-anyos na estudyante sa loob ng kanyang silid sa […]

  • DOH: Mga nabakunahan vs COVID-19 sa Pilipinas, higit 6-M na

    Nasa higit 6-milyong indibidwal sa Pilipinas ang nabakunahan na laban sa pandemic na coronavirus disease (COVID-19).     Batay sa pinakabagong report ng Department of Health (DOH), as of June 6, tinatayang 6,314,548 doses ng bakuna na ang naiturok ng pamahalaan simula noong Marso.     Mula rito, 4,632,826 ang ibinahagi bilang first dose. Habang […]

  • Mataas na palitan ng piso vs dolyar, naramdaman na ng mga OFW

    NARARAMDAMAN  na ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar.     Ito ay matapos pumalo na sa P56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong buwan at nahigitan nito ang P56.45 na naitala noong October 2014 kung saan, ito na ang all-time low na palitan sa pagitan ng piso […]