Palasyo pinuna ang pagkakamali sa pangangasiwa
- Published on July 30, 2020
- by @peoplesbalita
Mismong ang Malacañang na ang pumuna sa maling sistema na ipinatutupad ng pamahalaan sa pagpapauwi sa mga locally stranded individuals (lsiS) na pansamantalang nanantili sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bulag siya kung sasabihing walang makikitang pagkakamali sa sistema.
Ayon kay Sec. Roque, hindi nasunod ng mga LSIs ang health protocols na itinakda ng Department of Health (DOH) gaya physical o social distancing para makaiwas sa COVID-19.
Pero inihayag ni Sec. Roque na naiintindihan naman ng Malacañang na atat nang makauwi sa kani-kanilang mga probinsya ang mga LSIs.
“Bulag naman ako kung sasabihin kong walang pagkakamali doon. Meron pong pagkakamali don. Dapat po nagkaroon ng sistema na bagamat maraming tao doon sa Rizal Memorial Coliseum, dapat siniguro ang social distancing,” ani Sec. Roque.
Idinagdag ni Sec. Roque kakausapin na lamang niya si “Hatid Tulong” program lead convenor at Presidential Management Staff (PMS) Assistant Sec. Joseph Encabo na gawin na lamang regional ang pagpapauwi sa mga LSIs para maiiwasan ang pagdagsa ng nila at masusunod ang physicial distancing. (Daris Jose)
-
Pope Francis, nagpaabot nang pakikiramay sa sambayanang Pilipino sa pagpanaw ni FVR
NAGPAABOT ng kanyang taos-pusong pakikiramay si Pope Francis sa sambayanang Pilipino sa pagkamatay ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Ang mensahe ng Santo Papa ay ipinasa ng tanggapan ng Apostolic Nuncio sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Agosto 9. Ang liham ay nilagdaan ni Msgr. Alessio Deriu, kalihim ng Apostolic […]
-
DENNIS, tuloy na ang pag-attend sa Venice International Film Festival para na movie na official Philippine entry
ITALY bound na si Kapuso Drama actor Dennis Trillo since tapos na tapos na ang primetime series niyang Legal Wives, kaya walang problema. Tuloy na ang pag-attend niya ng Venice International Film Festival, na official Philippine entry doon ang movie niyang On The Job: The Missing 8 directed by Erik Matti. […]
-
Kiefer out na sa SEA Games
ANG 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang huling pagkakataon na nasilayan si Kiefer Ravena suot ang Gilas Pilipinas jersey sa SEA Games. Ito ay matapos magdesisyon si Ravena na ito na ang kanyang huling SEA Games matapos ang anim na edisyong paglalaro nito sa biennial meet. Inihayag nito ang […]