• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Godfather’ ng POGO sa Pinas, timbog!

NADAKIP ng mga tauhan ng Presidential Anti-Orga¬nized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration (BI) kamakalawa ng gabi ang itinuturing na “big boss” ng Lucky South 99 na nag-o-operate ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga.

 

 

Ayon kay PAOCC chief Usec. Gilbert Cruz, si Lyu Dong alyas Hao Hao, Boss Boga, Boss Apao, at Boss Bahaw ay naaresto sa Las Villas De Manila sa Arsobispo Street, Southwoods sa Biñan City bandang alas-8 ng gabi nitong Huwebes.

 

 

Kuwento naman ni PAOCC Spokesperson Winston Casio, agad nilang tinungo ang nasabing subdibisyon at nag-antabay sa paglabas ni Lyu Dong kasama ang 12 pang foreign nationals na umano ay mga “boss” ng POGO at anim na Filipino na mga bodyguard nito. Dinamba at pinosasan sa bisa ng mission order na inisyu ng BI.

 

 

“Malaking bagay ito. Isa-isa na nating natutugis ‘yung mga big bosses… Kahit makapagpakulong tayo ng ilang libong Chinese workers… hindi sapat ‘yun kung hindi tayo makapagpakulong ng big bosses,” ani Casio.

 

 

Bukod sa Lucky South 99 at Hongsheng/Zun Yuan sa Central Luzon konektado rin ang mga suspek sa dalawang POGO sa Ilocos Sur, dalawang POGO sa CALABARZON at mga ‘scam farm’ sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Camarines Norte attack ng NPA sa mga sundalo, pasok sa int’l rules of war, ipinagkibit-balikat ng Malakanyang

    IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Malakanyang ang iginiit ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ‘justified’ ang pag-atake ng New People’s Army sa Camarines Norte na ikinasawi ng limang pulis noong nakaraang Biyernes.   “Well, depende po yan noh? hIndi ko po alam iyong circumstance ng sinasabi nila noh? pero ang kinukuwestiyon po ng marami eh […]

  • Habang naghihintay ang milyong Pinoy para sa kanilang Nat’l IDs, may ilan ang nakakuha ng 2 o higit pa

    HABANG naghihintay ang milyong Filipino para sa kanilang PhilID, o National ID cards  na mai-deliver sa kanilang bahay, may ilan naman ang  nagrereklamo sa  printout ng  ePhilIDs, habang ang ilan naman ang nakatanggap ng dalawa o higit pang cards.     Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na “as of last week”,  74.2 milyong Filipino […]

  • Senado, sinimulan na ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund

    SINIMULAN  na ng Senado ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund bills ngayong araw.     Ang Senate Bill No. 1670 at House Bill No. 6608, mga panukalang naglalayong lumikha ng pondo, ay tinalakay ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies.     Kabilang sa mga pinagmumulan ng seed money para sa […]