• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LAKERS, ISUSUOT ANG ‘BLACK MAMBA’ JERSEY SA GAME 5 NG NBA FINALS

SUSUOTIN ng Los Angeles Lakers ang kanilang “Black Mamba” uniform, na dinisenyo bilang pagpupugay sa namayapang si Kobe Bryant, sa darating na Game 5 ng NBA Finals.

 

Ayon sa mga impormante, maliban noong Game 2 ay sa Game 7 pa raw sana nila susuotin ang black alternative uniform.

 

Pero sa Sabado kasi ay may tsansa na ang Lakers na masungkit ang kampeonato tangan ang 3-1 lead kontra sa Miami Heat sa kanilang best-of-seven series.

 

Katunayan, 4-0 ang Lakers sa tuwing suot nila ang Black Mamba uniforms ngayong postseason.

 

Sa mga nakalipas na interview, nabanggit nina Lakers coach Frank Vogel, LeBron James at Anthony Davis na kanilang sinisikap na tularan ang “Mamba mentality” ni Bryant at ang pagnanasa nito na laging manalo.

 

Iniaalay ng Lakers ang nalalabing bahagi ng season kay Bryant, na sumakabilang buhay kasama ang walong iba pa matapos ang nangyaring pagbagsak ng sinakyan nilang helicopter sa bahagi ng California noong buwan ng Enero.

Other News
  • PNP nag-inspeksiyon na sa National Museum

    SINIMULAN  na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng inspeksiyon sa loob at labas ng National Museum bilang bahagi ng pagbibigay ng seguridad sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa Hunyo 30.     Pinangunahan ni PNP Director for Operations MGen. Valeriano De Leon ang inspeksiyon alinsunod sa kautusan ni OIC-PNP PGen. […]

  • Ads October 17, 2023

  • Hero’s welcome para kay Diaz

    Maituturing si national weightlifter Hidilyn Diaz na isang buhay na bayani matapos ibigay sa Pilipinas ang kauna-unahang Olympic gold medal sa kanyang tagumpay sa women’s 55-kilogram division ng Tokyo Games.     Dahil sa kanyang kabayanihan ay ibibigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa 30-anyos na si Diaz ang Gold Medal of Valor sa nakatakda […]