• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ISTRIKTONG MASS TESTING, IPATUTUPAD SA MALABON

MAHIGPIT na ipatutupad sa Lungsod ng Malabon ang istriktong mass testing kung saan maaaring hulihin at kasuhan ang mga taong ayaw magpa-test, lalo na yung mga nakasama sa contact tracing at natukoy ng mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).

 

Ito ang napagkasunduan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID).

 

Ayon kay City Administrator at MCTF-MEID Member Atty. Voltaire dela Cruz, dalawang batas ang gagamitin upang istriktong ipatupad ang mass testing. Isa ay “Disobedience to a Person in Authority” o pagsuway sa awtoridad sa ilalim ng Revised Penal Code.

 

Maaari ring kasuhan ang sinumang tatangging magpa-test ng “Non-cooperation” ayon sa Republic Act No. 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.” Sa ilalim ng mga nasabing batas, hindi maaaring tumangging makipag-tulungan sa mga kinauukulan ang mga taong natukoy na apektado ng sakit.

 

Ang sinumang lalabag sa parehong batas ay maaaring mag-multa o kaya ay ikulong, batay sa desisyon ng hukuman.

 

Aniya, hindi maaaring gamiting depensa ang “Data Privacy Act of 2012” upang tumangging magpa-test, dahil pinapayagan ng batas ang paggamit ng personal na impormasyon upang tugunan ang isang national emergency, sumunod sa mga pangangailangan ng kaayusan at kaligtasan, o tuparin ng awtoridad ang kanilang tungkulin.

 

Isa ang mass testing sa mga natukoy na epektibong gawain upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19. Kasama nito ang contact tracing, isolation, at treatment. (Richard Mesa)

Other News
  • NAVOTAS’ COVID RESPONSE PINURI NI DUQUE

    Pinuri ni Health Secretary Francisco Duque III ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa matagumpay na pagtugon kontra Coronavirus Disease 2019 pandemic.     Si Duque at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga miyembro ng COVID-19 Vaccine Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team na bumisita sa Navotas Polytechnic College upang suriin ang cold room […]

  • KRISTOFFER, ibinahagi ang pinagdaanan ng pamilya dahil COVID-19

    NAIKUWENTO ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang pinagdaanan ng kanyang pamilya dahil sa sakit na COVID-19.   Nagkaroon ng COVID-19 ang kanyang ama, ina at kapatid na lalake. Magkasama silang tatlo na nag-quarantine at nagpagaling sa bahay nila sa Olongapo City, samantalang si Kristoffer ay nasa Manila at siya ang naging tagapagbili ng […]

  • Michael Keaton Directed Noir Thriller Reveals Al Pacino & Cast

    AFTER finding himself in the middle of the continued content turmoil at Warner Bros. Discovery and DC, Michael Keaton has shifted his focus to his upcoming noir thriller Knox Goes Away, which has revealed Oscar-winning actors Al Pacino and Marcia Gay Harden and Westworld star James Marsden as members of its impressive cast.   Keaton, […]