• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS’ COVID RESPONSE PINURI NI DUQUE

Pinuri ni Health Secretary Francisco Duque III ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa matagumpay na pagtugon kontra Coronavirus Disease 2019 pandemic.

 

 

Si Duque at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga miyembro ng COVID-19 Vaccine Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team na bumisita sa Navotas Polytechnic College upang suriin ang cold room a vaccination center ng lungsod.

 

 

“Navotas City is worth acknowledging and recognizing because of its success in its COVID-19 pandemic response.” Pahayag ni Duque sa kanyang talumpati.

 

 

Sinabi ni Duque na ang lungsod ay mayroong 2% positivity rate, 3.4% na mas mababa kaysa sa national positivity rate. Nagtala din ito ng pinakamababang kaso ng fatality rate na 1.7%, kumpara sa 2% national fatality rate.

 

 

Nabanggit din ng health secretary na ang lungsod ay nagtala ng 1.53% average na daily attack rate sa huling dalawang linggo, -17.5% na dalawang linggong growth rate, at zero healthcare utilization rate.

 

 

Ipinakita ng City Health Office ang Navotas’ vaccination rollout plan na layon nitong ma-inoculate ang 107,000 karapat-dapat mabakunahan sa 20 vaccination sites at target na bakunahan ang 100 indibidwal kada araw bawat site.

 

 

“We have conducted a series of dry runs to keep our vaccination teams ready for any eventuality. We want our rollout safe and smooth that’s why we also study the vaccination procedures of other countries so we may learn from their experiences,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Samantala, sinabi ni Cong. John Rey Tiangco ang plano ng lungsod na tugunan ang mababang kumpiyansa sa bakuna.

 

 

“The city government has invited health experts to educate Navoteños about COVID-19 vaccines. We hope that as we correct misconceptions, we will also be able to allay their fears and eventually convince them to get vaccinated,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Other News
  • Nagbebenta ng baby-online inaresto ng NBI

    INARESTO ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division (HTRAD) ang isang indibidwal dahil sa pagbebenta ng bata sa online sa Paranaque City.     Ayon kay NBI Director Judge Jaime Santiago (Ret.) na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Department of Justice – Inter-Agency Council Against Trafficking – NBI CyberTip Center (DOJ-IACAT-NBI Cybertip) hinggil sa […]

  • Nagpasalamat sa higit na tatlong dekada na magkasama: SHARON, wasak na wasak ang puso sa pagpanaw ng kaibigan na si FANNY

    ILANG araw pagkatapos ng National Election, nadagdagan ang sobrang kalungkutan ni Megastar Sharon Cuneta dahil nagluluksa naman siya sa pagpanaw ng malapit na kaibigan na si Fanny Serrano.     Ramdam na ramdam ang kanyang IG post na may caption na, “Too much heartbreak, in only a matter of days.(kasama ng tatlong black hearts icon)” […]

  • Ordinansa sa regulasyon ng tubig, ipatupad

    IMINUNGKAHI ni Metro Manila Council (MMC) president at San Juan City Mayor Francis Zamora sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon  na magpatupad ng mga ordinansang nagre-re­gulate ng tubig, upang mabawasan ang impact ng El Niño phenomenon.     Ayon kay Zamora, mahalaga ang pagsasagawa ng mga kaukulang hakbang upang tugunan ang epekto ng El […]