• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matagumpay, produktibong pakikibahagi ni PBBM sa ASEAN Summit pinuri ni Speaker Romualdez

BINATI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa matagumpay at produktibong paglahok nito sa ika-44 at ika-45 ASEAN Summits and Related Summits na ginanap sa Laos kamakailan.

 

 

Ayon kay Speaker Romualdez, ang istratehikong diplomasya ng Pangulo ay nagresulta makabuluhang tagumpay para sa pambansang interes ng bansa, partikular sa pagpapatibay ng suporta sa panawagan ng bansa na itaguyod ang international law, partikular ang UNCLOS at ang mapayapang paglutas ng mga alitan sa South China Sea.

 

 

Idinagdag niya ang makabuluhang kontribusyon ni Pangulong Marcos upang mapagkasundo ang mga miyembrong kasapi ng ASEAN upang palawakin ang kooperasyong pang-ekonomiya na lilikha ng mas maraming pamumuhunan at trabaho para sa mga Pilipino.

 

 

“The President’s adept handling of the Philippines’ ASEAN engagements has once again demonstrated his strong leadership and unwavering commitment to protecting and promoting our nation’s interests on the international stage. His engagements contributed towards expanded economic cooperation not only among ASEAN member states but also with its dialogue partners, which is expected to create more investment opportunities and jobs for Filipinos,” pahayag ni Speaker Romualdez.

 

 

Kasunod ng pakikipagpulong sa SHERA Public Company Ltd. sa sidelines ng ASEAN Summit, inanunsyo ni Pangulong Marcos ang plano ng kompanya na maglagak ng P2.9 bilyong pamumuhunan sa Pilipinas at makapag patayo ng fiber cement building materials para sa lokal na merkado at maging pang-export.

 

 

Idinagdag ni Speaker Romualdez ang mahalagang papel na ginampanan ni Pangulong Marcos sa mga talakayan na magpapalakas ng kolektibong pagtugon ng ASEAN sa isyu ng kalamidad, na isa ring isyu na kritikal sa Pilipinas.

 

 

Pinuri ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos sa kanyang walang-sawang pagsisikap na itaas ang katayuan ng Pilipinas sa ASEAN.

 

 

“The President’s leadership has once again secured vital agreements and strengthened our diplomatic relations, which will benefit the Filipino people for years to come,” sabi pa ni Romualdez. (Vina De Guzman)

Other News
  • Ads September 23, 2022

  • Torralba masasandalan sa opensa, sa depensa

    Hindi lang sa open sa pambato si Joshua Torralba kundi sa depensa rin pagdating sa isang larong basketbol.     Kabilang ang 27 anyos at may taas na 6-2 swingman sa 97 aspirante sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 sa Marso 14 at dumadalanging matapik upang makakayod sa 46th PBA Philippine Cup […]

  • Kaya planong ligawan na ang singer-actress-vlogger… JM, inamin na may kakaiba nang nararamdaman kay DONNALYN

    MAY plano na raw ligawan ni JM de Guzman si Donnalyn Bartolome.   Inamin ng kontrobersyal na aktor may kakaiba raw siyang nararamdaman sa singer-actress-vlogger.   “Isa niya po akong tagahanga. Mayroon akong ano sa kanya, may gusto ako sa kanya,” diretsang sinabi ni JM.   Sa tanong kung nagsimula na siyang manligaw dito, sagot […]