• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang taasan ang bayad sa mga guro, poll workers para sa 2025 elections, suportado ni Pimentel

SUPORTADO ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang panukalang taasan ang bayad sa mga guro at poll workers para sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.

 

 

Ipinanawagan din ni Pimentel na dapat exempted sa buwis ang election-related benefits at allowances ng mga guro at magsisilbing bantay sa 2025 midterm elections.

 

 

Aniya, napakahalaga ng gampanin ng mga guro sa pagtiyak ng malinis, maayos at matiwasay na halalan sa 2025.

 

 

Sa mga ‘hot spots’ na lugar sa bansa aniya ay hindi maiwasang malagay sa panganib ang kaligtasan at buhay ng mga guro at poll workers.

 

 

Giit pa ng senador, hindi dapat ipagkait ang kakarampot na benepisyong ito at itodo na ang honoraria na karapat-dapat sa mga guro at iba pang poll workers.

 

 

Kinatigan ni Pimentel ang panukala ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na taasan ang honoraria, allowance, at legal na proteksyon para sa mga gurong nagsisilbing miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI).

 

 

Dapat balikan ng Kongreso aniya panukalang budget para sa honoraria ng mga guro at poll workers sa 2025 proposed national budget. ( Daris Jose)

Other News
  • EX-DPWH SEC. MARK VILLAR PASOK SA BBM-SARA UNITEAM SENATE SLATE

    Kinumpirma ni presidential aspirant Ferdinand  ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na kasama sa binubuong senate slate ng  BBM-Sara UniTeam si dating Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Mark Villar.     Kabilang si Villar sa mga kasamang senatoriables ni Marcos Jr. kaninang umaga sa UniTeam Rally na isinagawa sa Bacoor City, Cavite.  Nilinaw rin ni […]

  • National team para sa Vietnam SEA Games pinayagan na ng IATF mag-bubble training

    Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang bubble training ng mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Inilabas ng Joint Administrative Order (JAO) No. 2020-0001 on Sports ang supplemental guidelines para sa pag-eensayo ng mga national athletes na lalahok sa […]

  • PBBM, kinilala at itinuturing ang mga mangingisda at magsasaka bilang mga bayani ng Pinas

    ITINUTURING at kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magsasaka at mangingisda bilang mga bayani ng Pilipinas dahil sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga ito para sa mga Filipino.     Sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo sa pagbubukas ng Agri Exhibit 2022 sa World Trade Center, inihayag ni Pangulong Marcos na unsung […]