• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CA natanggap na appointment papers nina DILG Sec. Jonvic Remulla at DTI Cristina Roque

KINUMPIRMA ng Commission on Appointments na natanggap na nga nila ang mga appointment papers ng bagong talagang Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ngayong Linggo, Oktubre 13.

 

 

At maging ang appointment papers ni DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque.

 

 

Ayon kay Surigao Del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel, kahit pa umano natanggap na ang mga kaukulang papeles ni Remulla ay hindi agad mapoproseso ng CA ang mga ito.

 

 

Doctor solon nanawagan amyendahan ang Universal Health Care Law.

 

Nananawagan si House Deputy Majority Leader Janette Garin sa liderato ng senado at Kamara na bigyang pansin at gawing prayoridad ang pag-amyenda sa Universal Health Care Law.

 

 

Sinabi ni Garin na palitan man ng ilang beses ang pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) magiging useless ito kapag hindi naamyenda ang UHC Law.

 

 

Ginawa ni Garin ang pahayag dahil plano nito maghain ng House Resolution na hinihikayat ang House Committee on Health na rebyuhin ang ilang provisions sa UHC Law lalo at mayruon itong tinatawag na “killer provisions.”

 

 

Si Garin na dating kalihim ng DOH, isang doktor at vaccinologist, ay nagsabi na hindi na kailangan ng health interventions gaya ng gamot, vaccines at medical devices kapag sumailalim sa Phase IV clinical study.

 

 

Batay kasi sa Section 34 sa UHC law dapat magkaroon muli ng health interventions.

 

 

Binigyang-diin ng Kongresista matapos ang Phase III clinical trial, kinukunsidera na ang health interventions na safe at efficacious.

 

 

“With this requirement of Phase IV, Filipinos will have no recourse but to go to other countries to gain access to any breakthrough in science. This Section 34 of UHC is just one of the many provisions deemed restrictive and detrimental to health care accessibility,” pahayag ni Garin.

 

 

Binatikos din ni Garin ang pagbuo ng Health Technology Assessment Council (HTAC), dahil ito ay naimpluwensiyahan ng anti-pharmaceutical groups at mga dating officials na nais i-empower ang kanilang sarili.

 

 

Simula pa nuong 18th Congress isinusulong na ni Garin ang pag amyenda sa nasabing probisyon subalit naka pending ito sa committee level simula noong August 2020. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr: Inagurasyon ng 2 bagong LRT 2 stations pinagpaliban

    Pinagpaliban ng Department of Transportation (DOTr) ang inagurasyon ng 2 bagong estasyon ng Light Rail Transit Line 2 East Extension mula sa dating April 26 at inilipat sa June 23 dahil na rin sa kagustuhan na magpatupad ng striktong health protocols.     Hindi na muna tinuloy ang inagurasyon dahil na rin sa mga bagong […]

  • Pagbabasbas at inagurasyon ng greenhouse facility sa NavotaAs Homes I – Brgy. Tanza 2

    PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Department of the Interior and Local Government Undersecretary Marlo Iringan at National Capital Region Assistant Regional Director Ana Lyn Baltazar-Cortez, ang pagbabasbas at inagurasyon ng greenhouse facility sa NavotaAs Homes I – Brgy. Tanza 2 na karagdagan pagkukunan ng sariwa at organic na ani ng gulay ng […]

  • JUSTICE SOCIETY IS AFTER “BLACK ADAM” IN SUPERHERO FILM’S NEW TRAILER

    THERE are heroes, there are villains and there is Black Adam.     Check out the new trailer of Warner Bros.’ epic superhero adventure “Black Adam” below and watch the film in cinemas and IMAX across the Philippines starting October 19. YouTube: https://youtu.be/MgSTfFxO88o Facebook: https://www.facebook.com/warnerbrosphils/videos/845733809923068/ About “Black Adam” From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action […]