• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House hearings sa ABS-CBN ‘lutong makaw’

Mistulang lutong ma­kaw umano ang naganap na pagdinig ng House committee on legislative franchises na kung saan “predetermined” na ang desisyon sa ginawang pagbasura sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal.

 

Ito ang naging pagti­ngin ng ilang kongresista sa 40 pahinang report ng technical working group (TWG) na inirekomendang ibasura ang prangkisang hinihingi ng ABS-CBN na sinasabing nakahanda na ang nasabing dokumento bago pa matapos ang pagdinig ng komite.

 

Dahil dito, marapat lamang na talakayin ang natu­rang isyu sa plenaryo para sa pinal na desisyon.

 

“It was a clear case of railroading,” ayon kay Buhay partylist Rep. Lito Atienza na kumukuwestiyon sa legalidad ng nasabing report.

 

Ani Atienza, napaka-imposible na matapos sa loob lamang ng isang gabi ang 40-pahinang dokumento para i-summarize ang 12-araw na pagdinig at testimonya ng mga saksi bukod pa sa araw ng pagbubuod nito.

 

Nangangamba rin si Atienza na malalagay sa balag ng alanganin ang bansa kung ang mga kongresista ay kumikilos bilang “prosecutors, judge, jury at executioner.”

 

Sa botong 70-11 noong Hulyo 10 ay nabasura ang prangkisa ng ABS-CBN kung saan inaprubahan ang rekomendasyon ng three-man TWG na sina Reps. Pablo John Garcia (Cebu City), Xavier Jesus Romualdo (Camiguin) at Stella Quimbo (Marikina), Quimbo.

 

Iginiit naman ni Rep. Lawrence Fortun (Agusan del Norte) na kailangang talakayin sa plenaryo ang resolusyong ginawa ng komite upang makalahok ang may 305 mambabatas sa pagtalakay at maipaliwanag ang ginawang pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN.

Other News
  • BEAUTY, na-meet na ang young actor na si KELVIN na magiging ka-partner sa upcoming mini-series

    “ONE of my most challenging roles,” ang sagot ni Jim Pebanco when asked to describe his role as a cybersex den operator sa Lockdown.     “Noong nabasa ko pa lang, tuwang-tuwa na ako kasi ang ganda ng role at ang ganda ng script. Kaya pinag-aralan ko talaga mabuti ang script,” sabi ni Jim.   […]

  • Angat Dam water level, lalo pang bumaba

    BUMABA pa lalo ang water level ng Angat Dam.     Ito ay sa likod ng ilang mga pag-ulan na naranasan sa bansa, dala ng ilang mga weather system.     Ayon sa State Weather Bureau, nasa 193,72 meters na lang ang water level ng nasabing dam.     Mas mababa ito ng 18 centimeters […]

  • Mga aktibidad sa Chinese New Year, kanselado sa Maynila

    WALA na ring magaganap na anumang kasiyahan at aktibidad sa darating na Chinese New Year sa Maynila bilang bahagi pa ng pag-iingat na magkahawaan ng COVID-19.     Kabilang sa mga ipinagbawal ni Manila City Mayor Isko Moreno ang tradisyunal na mga parada, lion at dragon dance, pagsisindi ng mga paputok sa kalsada, street parties, […]