• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FIFA Futsal Women’s World Cup 2025, isasagawa sa PH

KINUMPIRMA ni Fédération Internationale de Football Association (FIFA) President Gianni Infantino na gaganapin sa Pilipinas ang nakatakdang pagbubukas ng inaabangang inaugural FIFA Futsal Women’s World Cup 2025 sa darating na Nobyembre.

 

 

Ayon kay Infantino, nakatakdang gawin ang opening matches sa Nobyembre 21 kung saan ang mga lalahok na koponan ay maglalaban-laban para mapabilang sa 16 na grupong papasok sa finals na idaraos sa Disyembre 7.

 

 

Mula sa 16 na koponan ay hahatiin sila sa apat na grupo kung saan ang dalawang mangungunang teams mula sa bawat grupo ay mag-a-advance patungo sa knockout phase, quarter-finals, semi-finals, third-place play-off, at final match.

 

 

Wala pang pinal na lugar sa bansa kung saan gaganapin ang naturang world cup ngunit mayroon nang ilang pinagpipilian.

 

 

Matatandaan noong Mayo 15, nakuha ng Pilipinas ang hosting rights para sa naturang palaro kung saan natalo ang iba pang bansa na nag-bid tulad ng Brazil, Italy, at Spain.

Other News
  • Public consultation ukol sa panukalang Maharlika Wealth Fund Act

    MULING nagsagawa ang House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Manila Rep. Irwin Tieng ng konsultasyon para sa panukalang “Maharlika Wealth Fund Act” (MWFA).     Nakapaloob sa House Bill 6398 na maglaan ng pondo para sa anumang investments na gagawin ng mga Government Financial Institutions (GFIs), tulad ng Government Service Insurance […]

  • DND, pinalagan ang pahayag ng China na ginagatungan ng Pinas ang tensyon sa Taiwan

    PINALAGAN ng Department of National Defense (DND)  ang naging pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian na ginagatungan ng Pilipinas ang geopolitical tensions sa pamamagitan ng pag-alok sa Estados Unidos ng  military bases nito malapit sa Taiwan.     “The Department of National Defense takes exception to the statement of Chinese Ambassador to the Philippines Huang […]

  • Palasyo nagalak: Satisfaction rating ng Duterte admin, ‘excellent’ – SWS

    UMAKYAT sa +73 o “excellent” ang satisfaction rating administrasyong Duterte sa ika-apat na quarter ng 2019 survey ng Social Weather Stations.   Sa naturang survey na isinagawa mula Disyembre 13 hanggang 16 noong 2019, 81 na porsyento ng mga respondents ang nagpahayag ng kanilang “satisfaction” sa general performance ng administrasyon, 12 na porsyento naman ang […]