• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hangad ang pinasimpleng MINING FISCAL REGIME

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas na itulak ang pinasimpleng fiscal regime para sa mining industry.

 

Tinukoy ni Pangulong Marcos ang Rationalization of the Mining Fiscal Regime, na kanyang inilarawan bilang “fundamental to creating a fair and equitable mining environment for everyone involved.”

 

“I urge all our dedicated agencies and esteemed members of Congress to support the Rationalization of the Mining Fiscal Regime,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang 2023 Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA) sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Ipinanukala ng batas ang isang revised fiscal regime, pagpapataw ng isang four-tier, margin-based royalty mula 1.5% hanggang 5% sa income o kinita mula sa mining operations sa labas ng mineral reservations.

 

Sa ilalim ng kasalukuyang fiscal regime, ang iba’t ibang obligasyon ng mining groups at mga kompanya ay depende sa mining agreement. Nagpapataw din ito ng buwis para lamang sa mga minahan na nago-operate sa loob ng mineral reservation.

 

Inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palakasin ang ‘regulatory capabilities’ nito para sa industriya.

 

“It is equally vital for the DENR to strengthen regulatory capabilities for all mining operations to ensure compliance with safety and environmental standards,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Sa kabilang dako, kabilang sa mga regulasyon na binanggit ng Pangulo ay ang pagpapalabas ng Administrative Order No. 2022-04, nagbibigay mandato sa biodiversity management sa mining operations, kasama ang pagtatatag ng National Environment and Natural Resources Geospatial Database.

 

“The measure reflects the government’s commitment to responsible practices,” ang tinuran ng Chief Executive.

 

Tinukoy din ng Punong Ehekutibo na ang Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Act, nilagdaan noong Mayo ng taong kasalukuyan, binigyang diin ang dedikasyon para sa napananatiling ‘resources management.’

 

“This landmark legislation ensures that a robust system is in place to quantify and integrate the value of our country’s natural assets into national economic planning and decision-making,” aniya pa rin.

 

“This will enable us to better balance economic gains with environmental protection and guarantee that the true cost of resource extraction is accounted for,” ang winika ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • PCG personnel, libreng makakasakay sa LRT-2

    MAGANDANG balita para sa mga Commissioned officers, enlisted personnel at civilian employees ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil mae-enjoy na ng mga ito ang libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).     Sa isang Facebook post sinabi ng PCG na ang libreng sakay ay bahagi ng memorandum of agreement (MOA) na pinirnahan […]

  • EO para sa pork, chicken price ceiling ilalabas ng OP, ‘soon’ – Sen. Go

    Kinumpirma ni Sen. Bong Go na nakatakdang ilalabas ng Office of the President (OP) ang isang Executive Order (EO) na magpapatupad ng price ceiling sa karne ng baboy at manok.     Una ng inirekomenda ito ng Department of Agriculture (DA) para matugunan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga food products at mapalakas […]

  • Malakanyang, pumiyok: ‘No choice’ but to escalate NCR to alert level 3–Nograles

    UMAMIN ang Malakanyang na “no choice” ang gobyerno kundi ang ibalik ang National Capital Region (NCR) sa alert level 3 bunsod ng nagpapatuloy na surge ng Covid-19 case dahil sa holiday season.   Ang pag-amin ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na pumasok ang Kalakhang Maynila sa unang araw ng […]