• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH vessels, inilagay sa panganib ang buhay ng Chinese personnel malapit sa Pag-asa Island- Tsina

IGINIIT ng Beijing na inilagay sa panganib ng Philippine vessels ang buhay ng Chinese personnel na nasa barko ng pangingisda dahil mapanganib na naglalayag malapit sa Pag-asa Islandsa West Philippine Sea (WPS).

 

Tinanong kasi ang Chinese Foreign Ministry ukol sa Oct. 11 incident kung saan sinasabing di umano’y sinadyang banggain ng Chinese Maritime Militia ang barko ng Philippine Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa may bahagi ng Pag-asa (Sandy) Cays.

 

Ayon sa BFAR na naganap ang insidente noong October 11 habang nagsasagawa ng routine maritime patrol ang BRP Datu Cabaylo at BRP Datu Sanday.

 

Ayon sa BFAR, binuntutan at sinubukang harangan ng barkong CMM 00108 ang BRP Datu Cabaylo.

 

At habang dahan-dahang papalapit ang BRP Datu Cabaylo (MMOV 3001) sa Pag-asa (Sandy Cay) ay ginitgit na ito ng Chinese vessel.

 

Ayon sa BFAR, nagtamo ng minor dents ang kanilang sasakyang pandagat partikular sa starboard bow nito.

 

Sa kabila naman ng insidente, nakumpleto pa rin ng BFAR vessels ang kanilang maritime patrol at ligtas na nakadaong sa Pag-asa Sheltered Port.

 

“We commend the officers and crew of the BRP Datu Cabaylo (MMOV 3001) as they continue to perform their duty, in line with the mandate of BFAR, to uphold Philippine jurisdiction and rights over its territorial waters and exclusive economic zone,” saad pa ng BFAR.

 

At nang hingan ng komento ukol sa bagay na ito si Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning ay sinabi niya na “As far as I know, the truth is that Philippine official vessels sailed dangerously in waters under China’s jurisdiction and collided with a Chinese fishing boat conducting regular operation there.”

 

“The behavior violates China’s sovereignty and gravely threatens the safety of Chinese fishing boats and crew,” ang sinabi pa ni Mao Ning.

 

Nanawagan din ito sa Pilipinas na “to earnestly respect China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea”, panawagan din ito na itigil muna ang anumang aksyon na maaaring kumplikado sa sitwasyon. (Daris Jose)

Other News
  • P7 MILYONG SHABU GALING LONDON , ISINILID SA ISANG STUFFED TOYS, NASAMSAM

    MAHIGIT P7 milyon halaga ng hinihinalang  shabu  na nakalagay sa isang package na idineklara na mga “stuffed toys”  ang nasamsam matapos  na naaresto ang isang babae na  tumanggap nito  sa Bacoor City, Cavite Martes ng hapon.     Kinilala ang naaresto na si  Noelle Denise Azul, 29, dalaga habang pinaghahanap ang kaibigan nito na si  […]

  • Bianca, Ardina, Guce babawi sa Marathon

    Walang ibang nasa utak sina Bianca Pagdanganan, Dottie Ardina at Clariss Guce kundi makaresbak sa US$1.7M Marathon Classic sa Agosto 6-9 sa Highland Meadows Golf Club sa Sylvania, Ohio.   Buhat ang tatlong Pinay professional golfer – Pagdanganan sa 12-way tie sa 28th place na may $6,862 (P337,000) cash prize, Guce sa 3-way tie sa […]

  • DND, lalagda ng kontrata sa pagbili ng 32 ‘Black Hawk’ helicopters

    NAKATAKDANG tintahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang isang kontrata para sa pagbili ng 32 karagdagang S-70i “Black Hawk” combat utility helicopters mula PZL Mielec ng Poland, Martes ng tanghali.     “Bukas po ng hapon, Mr. President, ay pipirmahan ko ‘yung kontrata para sa karagdagang 32 ‘Black Hawk’ helicopters,” ang […]