• March 22, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bianca, Ardina, Guce babawi sa Marathon

Walang ibang nasa utak sina Bianca Pagdanganan, Dottie Ardina at Clariss Guce kundi makaresbak sa US$1.7M Marathon Classic sa Agosto 6-9 sa Highland Meadows Golf Club sa Sylvania, Ohio.

 

Buhat ang tatlong Pinay professional golfer – Pagdanganan sa 12-way tie sa 28th place na may $6,862 (P337,000) cash prize, Guce sa 3-way tie sa 64th na may $2,249 (P110,000) at Ardina na mintis sa cut kaya setlog sa kalapit lang na  Inverness Club Golf Club sa Toledo, ang pinagdausan ng US$1M Ladies Professional Golf Association (LPGA) Drive On Championship nitong Hulyo 31-Agosto 2.

 

Mala-akyat Mt. Everest man, nakikipagkarera ng ranking points sina Pagdanganan, 22, Ardina, 26, at Guce, 30, sa paghahabol sa 32nd Sumer Olympic Games 2020 na itinakda sa Hulyo 2021 sa Tokyo, Japan.

 

Ang isa pang may kagayang nilang misyon ay ang kumakampanya sa mayaman ding LPGA Japan Tour na si reigning Asian Games champion Yuka Saso, 19. (REC)

Other News
  • Selebrasyon sa ika-70 taon sa pag-upo ni Queen Elizabeth magiging pribado lamang

    HINDI magkakaroon ng magarbong pagdiriwang ang Buckingham Palace sa ika-70 taon ng pagkakatalaga kay Queen Elizabeth II.     Ang 95-anyos kasi na si Elizabeth ay naging reyna ng Britanya at ilang mga bansa gaya ng Canada, Australia at New Zealand matapos ang pagpanaw ng amang si King George VI noong Pebrero 6, 1952.   […]

  • Boxing icon Roberto Duran, nagpositibo sa COVID-19

    Nananatili ngayon sa isang ospital sa Panama ang boxing legend na si Roberto Duran matapos makumpirma na dinapuan ito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Sa Instagram post ng kanyang anak na si Robin, sinabi nitong minor symptoms lamang na katulad ng sipon ang naranasan ng kanyang ama.   Hindi naman daw inilagay sa ventilator […]

  • Kiefer gigiya sa Gilas sa tune-up

    PAMUMUNUAN  ni Kiefer Ra­vena ang Gilas Pilipinas na sasabak laban sa South Korea sa exhibition games na idaraos sa Hunyo 17 at 18 sa Anyang Gymnasium sa Gyeonggi-do, South Ko­rea.     Kasama si Ravena sa 12-man lineup na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa friendly matches na mag­sisilbing preparasyon para sa […]