Caloocan LGU, magtatayo ng “Tahanang Mapagpala”
- Published on October 17, 2024
- by @peoplesbalita
SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD), ang construction ng bagong social development center na tinawag na “Tahanang Mapagpala”, kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony nito sa pangunguna ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa Barangay 171 Bagumbong.
Ang Tahanang Mapagpala ay magiging tahanan ng mga inabandona, napabayaan, inabuso at mga batang babae sa lahat ng edad habang ang mga batang lalaki na edad pitong taon pababa na nakaranas ng parehong mga kalagayan tinutugunan din ang mga pangangailangan.
Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Mayor Along sa patuloy na pagsunod sa kanyang direktiba na unahin at protektahan ang mga interes ng mga pinaka-mahina na miyembro ng komunidad.
“Sa pamamagitan po ng Tahanang Mapagpala at sa tulong ng CSWDD, mas maipaparamdam po natin sa mga kababayan nating higit na nangangailangan ang pagkalinga at malasakit na hatid ng Pamahalaang Lungsod,” ani Mayor Along.
Tiniyak din niya sa kanyang mga nasasakupan na ang pamahalaang lungsod, sa ilalim ng kanyang administrasyon ay patuloy na magpapatupad ng komprehensibo at mapapanatili ang mga patakaran na magiging kapaki-pakinabang para sa lahat ng mga residente ng Caloocan. (Richard Mesa)
-
San Beda sosolohin ang No. 2 spot
ITUTULOY ng nagdedepensang San Beda University ang kanilang arangkada sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 100 men’s basketball sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City. Sasagupain ng Red Lions ang Generals ngayong alas-2:30 ng hapon matapos ang salpukan ng Letran Knights at Arellano Chiefs sa alas-11 ng umaga. […]
-
Omicron magiging dominant variant sa loob ng 3-4 linggo
Inaasahan na magiging dominanteng variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang Omicron variant sa susunod na tatlo o apat na linggo. Ayon kay DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, nananatiling dominanteng variant pa rin ang Delta ngunit maaaring agad na malagpasan ito ng Omicron dahil sa ulat ng bilis ng ‘incubation’ nito at […]
-
SHARON, nanawagan na ipagdasal ang kanyang ‘Pawiboy’ na may heart enlargement; netizens, napa-’sana all’ sa biniling LV collar
MAY latest update si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang inampon na Aspin na si Pawi. Post niya sa kanyang IG account, “Latest update on my baby Pawiboy. PLEASE PRAY FOR MY DOGGIE…his heart is enlarged… @gumabaomarco Daddy Pawi pray for Pawiboy please.” Agad namang nag-comment ang followers ni Sharon at nagpahatid na […]