• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Omicron magiging dominant variant sa loob ng 3-4 linggo

Inaasahan na magiging dominanteng variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang Omicron variant sa susunod na tatlo o apat na linggo.

 

 

Ayon kay DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, nananatiling dominanteng variant pa rin ang Delta ngunit maaaring agad na malagpasan ito ng Omicron dahil sa ulat ng bilis ng ‘incubation’ nito at mas madaling maipasa sa ibang tao.

 

 

“I think in about three to four weeks, as predicted, the Omicron will be dominant in terms of 50% to 90% of the cases, overtaking the Delta virus,” dagdag pa niya.

 

 

Sinabi pa ni Vega na ang COVID-19 infections ay magpi-peak pa sa mga susunod na araw, at wala pang katiyakan kung mababawasan ito.

 

 

Paliwanag niya, ang Omicron ay may mas mataas na high transmissibility rate, na nasa 30 hanggang 50%, kumpara sa Delta.

 

 

“We are preparing our health system capacity, our testing, isolation so that we are all prepared in this another ride in the wave of this Omicron virus,” ani Vega.

 

 

Samantala, pinawi rin ng opisyal ang pangamba ng publiko laban sa napaulat na sakit na Florona, na kumbinasyon umano ng trangkaso at COVID-19 at unang natukoy sa isang buntis sa Israel.

 

 

 

Ayon kay Vega, hindi pa ito concern ngayon sa Pilipinas at maaari lamang itong mangyari kung mahina ang immunity ng isang tao at walang anumang proteksiyon laban sa mga virus.

Other News
  • Nakakaalarmang kondisyon ipapaopera na: DAVID, napagkakamalang suplado dahil sa ‘sleep apnea’

    PLANO na pala ni David Licauco na ipaopera ang kanyang kondisyon na ‘sleep apnea’ pagkatapos ng TV series nila ni Barbie Forteza na “Maging Sino Ka Man.”     Ang sleep apnea ay sleep disorder na tumitigil kung minsan ang paghinga ng pasyente habang natutulog.     Sa naging panayam ni Nelson Canlas na ipinakita […]

  • Imbestigasyon sa mga hindi nagamit na malapit ng mag-expire na COVID-19 vaccines, nagpapatuloy –Nograles

    PATULOY na nagsasagawa ng fact-finding investigation ang National Vaccination Operations Center (NVOC) kaugnay sa ilang COVID-19 vaccines na ipinamahagi sa ilang local government units na malapit ng mag-expire subalit hindi naiturok sa katatapos lamang na isinagawang vaccination drive Bayanihan, Bakunahan.   “We’re still doing a fact-finding investigation. Wala pa kaming [we still don’t have a] […]

  • Nagpaliwanag sa kinatuwaang ‘viral video’: BARBIE, nakatulog sa pagod at niyakap siya ni DAVID

    IKINATUWA ng fans ng phenomenal BarDa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco na nag-viral ang video ng isang eksena nila sa new primetime series ng remake hit movie na “Maging Sino Ka Man”.     Ang video ay nagpakitang magkayakap na natutulog sina Monique (Barbie) at Carding (David) at during the mediacon ng serye, […]