• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babae na may pekeng stamp passport, nasabat sa NAIA

PINIGIL ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-alis ng isang babae na biktima ng pekeng departure stamp sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

 

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang biktima ay isang 32 anyos babae ay pasakay ng Cebu Pacific Airlines flight biyeheng Vietnam pero hindi siya nakalusot sa BI’ sa primary inspection.

 

“The victim arrived at the counter with her passport, which had a counterfeit departure stamp impressed on it, attempting to convince the officer that she had completed the immigration departure procedures. She initially claimed to be a solo tourist in Vietnam for leisure,” ayon kay Viado.

 

Sinabi ng biktima na kabilang ang Thsiland sa plano nitong puntahan pagkatapos ang pagtigil nito sa vietnam. Plano nitong mag-apply ng entry visa sa Egypt na umanoy mabilis ang proseso.

 

Hiningan ng recruiter ang biktima ng P30,000.00 para sa counterfeit stamp para sa kanyang pag-alis pero bumaba sa P65,000.

 

Base sa forensic analysis ng BI document laboratory peke ang ipinakita ng biktima.

 

Ang biktima ay ipona-kustodiya sa Inter-Agency Against Trafficking (IACAT) para sa pagsaspa ng kaso laban sa recruiters. GENE ADSUARA

Other News
  • Pagbabasbas at pasinaya sa Takino pumping station

    PINASINAYAAN at pinabasbasan nina Mayor John Rey Tiangco, at Congressman Toby Tiangco, kasama ang iba pang opsiyal ng pamahalaang lungsod ang bagong bukas na TAKINO pumping station na makakatulong sa mabilis na paghupa ng baha tuwing high tide o kung may bagyo, bilang bahagi pa rin ng ika-17th cityhood anniversary ng Navotas. (Richard Mesa)

  • Duterte, pinayagan na ang mga private sector na bumili ng COVID-19 vaccines

    Pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pribadong kumpanya na makabili ng COVID-19 vaccine.     Isinabay ng pangulo ang anunsiyong ito sa kanyang national address nitong Lunes ng gabi.     Ayon sa Pangulo na inatasan na niya si Secretary Carlito Galvez na pirmahan ang lahat ng mga dokumento na pinapayagang lahat ng mga […]

  • SONA protesters ‘di target ng law enforcers

    Siniguro ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na hindi magiging target ng law enforcers ang mga magsasagawa ng kilos protesta sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte.   Sa isang panayam, tinanong si PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac tungkol sa ispekulasyon na ang SONA ang magiging ‘big […]