• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SONA protesters ‘di target ng law enforcers

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na hindi magiging target ng law enforcers ang mga magsasagawa ng kilos protesta sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte.

 

Sa isang panayam, tinanong si PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac tungkol sa ispekulasyon na ang SONA ang magiging ‘big test’ sa bagong batas na anti-terror law laban sa mga magpoprotesta.

 

“There is no rush to implement the new law, we continue to be alert and vigilant against threats of terrorism and to prevent occurrence of crimes. We always say that expression of opinion, protest, or dissent is never part of the definition of terrorism,” paliwanag ni Banac.

 

Tinataya aniyang nasa 5,000 pulis ang idedeploy sa Metro Manila sa SONA sa Lunes, July 27.

 

“We still want our protesters to be responsible and observe minimum health protocols.”

 

“In so far the PNP is concerned, we are just there to protect people from getting sick,” dagdag pa ni Banac. (Daris Jose)

Other News
  • 2 babaeng tulak tiklo sa buy bust sa Caloocan, P300K shabu, nasamsam

    KALABOSO ang dalawang babae na umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.     Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting District Director […]

  • Magiging abala na rin sa kasal nila ni Rambo: Management ni MAJA, naglabas na ng official statement sa pag-alis sa ‘Eat Bulaga’

    NAGLABAS na ng official statement ang Crown Artist Management Inc. sa pag-alis ni Maja Salvador sa longest running noontime show na ‘Eat Bulaga’.   Sa Facebook post…   “Crown Artist Management would like to announce that with Maja Salvador’s upcoming wedding, and with all the uncertainties surrounding Eat Bulaga, she will be leaving the noontime […]

  • MGA HEALTH WORKERS, NAGSAGAWA NG KILOS PROTESTA

    MULING nagsagawa ng kilos protesta ang samahan ng health workers sa harap ng tanggapan ng Department of Health (DOH) kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day.     Tinawag na Black Hearts Day Protest ang nasabing pagkilos na pinangunahan ng Alliance of Health Workers     Naglakad ang mga health workers na pawang mga nasa pampubliko […]