• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COA piniga sa P16-M safehouse rentals na nagastos ng OVP sa loob ng 11 araw

GUMASTOS ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte ng P16 million na hinugot sa P125 million confidential funds noong 2022, kabayaran para sa renta ng mga safe house para sa 11 araw.

 

Ang OVP accomplishment report ukol sa P125 million confidential fund nito noong 2022 ang ipinresenta ng Commission on Audit sa isinagsagawang imbestigasyon ng House good government and public accountability committee ukol sa paggamit ng budget ng OVP.

 

Kinumpirma ni Atty. Gloria Camora ng Intelligence and Confidential Funds Audit Office ng COA na ang OVP ay nagbayad ng P16 million na makikita sa 34 acknowledgement receipts na isinumite nito na may petsang December 21 hanggang 31.

 

Sinabi ni Antipolo Representative Romeo Acop, isang retired police official, may isang resibo aniya ang nagpapakita na P500,000 ang naging kabayaran para sa isang safe house.

 

Nangangahulugan ayon Camora na ang OVP ay gumastos ng P45,000 kada araw para sa isang safehouse.

 

“It would amount P45,454.55 per day,” aniya pa rin.

 

Dahil naguguluhan, hiningan ni Acop si Camora ng detalye sa safe house para mabigyang katuwiran ang malaking halaga para sa rental, subalit wala namang hawak na karagdagang impormasyon ang COA.

 

“We do not have information on the safe houses,” ani Camora.

 

Ang P125 million confidential fund ng OVP ay hindi hinugot mula sa 2022 national budget, kundi ipinalabas ng Department of Budget and Management mula sa contingent fund ni President Ferdinand Marcos, Jr.

 

At sa tanong kung ang P16 million na ginastos sa mga safe house ay makatarungan, ininguso ng OVP ang position paper sa nagpapatuloy na House inquiry na nagsasaad na ang House investigation ay ‘is not in aid of legislation.’

 

“It becomes completely unnecessary for the Committee to belabor and pursue a legislative inquiry into the budget utilization and accomplishment of the Office because the data has already been provided during the budget deliberations in the Committee on Appropriations, and that further information needed may be verified through the COA,” ayon kay OVP.

 

“The absence of any legislative objective or outcome and the lack of clarity in the rules as to jurisdiction and power of the Committee, does not satisfy the requirements enshrined in Article VI, Section 21 of the Constitution on inquiries in aid of legislation. We therefore respectfully request the Committee to terminate its inquiry on the matter,” dagdag na wika ng OVP. (Daris Jose)

Other News
  • After nang one month lock-in taping: KYLIE, masayang pinost ang mga photos na muling nakasama ang dalawang anak

    NATAPOS na pala ang one month lock-in taping ni Kylie Padilla para sa pinagbibidahan na GMA teleserye na Bolera.     Sa kanyang latest Instagram post, kasama na niya ang kanyang dalawang na sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Huli kasing nakasama ng aktres ang mga anak noong January bago siya mag-lock-in taping.     […]

  • PBBM, sinertipikahan bilang urgent ang Senate bill na mag-aamiyenda sa gov’t procurement law

    SINERTIPIKAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent ang Senate bill na mag-aamiyenda sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act (GPRA) . Sa isang liham na may lagda ni Secretary Lucas Bersamin na may petsang Marso 19 para kay Senate President Juan Miguel Zubiri, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang agarang pangangailangan na aprubahan […]

  • Rarampa sa City of Love bukod sa Rome: SOFIA, invited sa second part premiere ng ‘Emily in Paris’

    LUMIPAD ang Sparkle teen star na si Sofia Pablo sa Rome for business and little bit of R&R.     Sa kanyang Instagram account, pinost ng ‘Prinsesa ng City’ Jail star ang kanyang excitement sa pagpunta sa Rome.     “Off to Rome for some new adventures ✨… and a little something with @emilyinparis Season […]