PUJ CONSOLIDATION, MULING BINUKSAN NG LTFRB
- Published on October 21, 2024
- by @peoplesbalita
BINUKSANG muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga aplikasyon para sa konsolidasyon sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP) ng gobyerno hanggang November 28 ngayong taon.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III ang mga unconsolidated public utility vehicle drivers at operators ay maaari nang maghain ng aplikasyon para sa consolidation sa ilalim ng PTMP, na dating tinatawag na PUV Modernization Program (PUVMP).
Sinabi ni Guadiz na muli niyang binuksan ang aplikasyon sa loob ng 45 araw bilang tugon sa kahilingan ng Senado.
Dagdag pa ng opisyal na alinsunod ito sa request ng Senado noong nagpasa sila noong una ng resolution. Maari na muli ng mag-apply sa consolidation pero 45 days lang.
Sinabi ri ni Guadiz na ang mga unconsolidated na PUV driver at operator ay pinapayagan lamang na sumali sa mga umiiral na kooperatiba ngunit hindi sila pinapayagang bumuo ng kanilang sarili.
Hinihimok din ng opisyal ang mga unconsolidated na PUV driver at operator na sumali sa modernization program ng gobyerno para makatanggap ng mga benepisyo tulad ng P10,000 para sa fuel subsidy, at P15,000 hanggang P20,000 para sa service contracting sa Libreng Sakay Program.
Matatandaang matapos ang Abril 30 na deadline para sa konsolidasyon, una nang sinabi ng LTFRB na ang mga unconsolidated na PUV ay itinuring na “colorum” o tumatakbo nang walang prangkisa.
Subalit pinayagan ng LTFRB ang mga unconsolidated jeepney at UV Express units na mag-operate sa mahigit 2,500 ruta na may mababang consolidation rates. (PAUL JOHN REYES)
-
Liquor ban inalis na sa Navotas
Inalis na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ipinatupad nitong liquor ban kaugnay ng magiging bilang ng mga kaso ng COVID-19 matapos ang Kapaskuhan. Sa bisa ng City Ordinance No. 2021-07 na pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco, pinawalang-bisa na ang pagbabawal sa pagbili o pagbenta ng alak o inuming nakalalasing sa lungsod simula […]
-
VP LENI sinagot pagiging top spender sa Facebook ads
NILINAW ng isang 2022 presidential aspirant ang patungkol sa pangunguna niya sa gastusin pagdating sa campaign ads sa isang social media site, habang idinidiing ginawa ito ng kanyang mga supporter upang labanan ang “fake news” at disinformation. Umabot kasi sa P14.1 milyong halaga ng Facebook advertisements ang nagastos para kay Bise Presidente Leni […]
-
1.3-M na 4Ps beneficiaries, inalis na sa listahan – DSWD
NAGLAHAD ng kanyang presentation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Social Welfare Sec. Erwin Tulfo sa ginanap na cabinet meeting sa Malacanang hinggil sa ipinatutupad na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na sa report ni Tulfo sa Pangulo, tinatayang 1.3 milyong benepisyaryo ng 4Ps […]