• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCG, naka-heightened alert na para sa Undas 2024

NAKA- heightened alert na ang Philippine Coast Guard para sa Undas ngayong taon.

 

 

Kaugnay nito, inatasan na ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang lahat ng Coast Guard operating units para itaas ang alerto para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na magsisiuwian sa mga probinsiya para dalawin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay at sasamantalahing magbakasyon sa araw ng mga kaluluwa sa Nobiyembre 1 at araw ng mga patay sa Nobiyembre 2.

 

 

Inatasan din ang PCG Districts, Stations at Sub-Stations na paigtingin pa ang seguridad, kaligtasan, pagiging maasahan ng mga ito at matiwasay na biyahe ng mga pasahero sa Undas.

 

 

Mayroon ding ilalagay na DOTr Malasakit Help Desks sa lahat ng mga pantalan, daungan at iba pang pampublikong transportasyon sa buong bansa para tulungan ang mga biyahero. Handa ding mag-augment ang medical teams sa Malasakit Help Desk para sa pagbibigay ng medical assistance sa mga pasahero.

Other News
  • P1-B fuel subsidy para sa mga PUV drivers at operators, hindi sapat – transport group

    Labis na ikinatuwa ng grupo ng mga tsuper ang pagbibigay ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P1 billion na cash grants para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers.     Gayunman, ayon kay Obet Martin, Pasang Masda president ang P1 billion ay hindi sapat […]

  • DepEd, suportado ang pagpapatuloy ng work immersion para sa mga SHS students

    SUPORTADO ng Department of Education (DepEd) ang “reintroduction” ng physical work immersion sa gitna ng nagpapatuloy na progressive expansion ng face-to-face classes.     Ang pagsasagawa ng onsite work immersion para sa senior high school (SHS) students, na isang required subject para sa Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track, ay sinuspinde sa panahon ng COVID-19 pandemic.     […]

  • Bersamina gold sa Asian chess board 3

    PINANGIBABAWAN ni International Master Paulo Bersamina ang impresibong ipinakita ng Pilipinas sa individual board awards sa patuloy ding ginaganap na Asian Nations Online Chess Cup nang makasakote ng gold medal sa board three.   Umiskor ang 22 taong-gulang na Pinoy woodpusher ng 7.0 points sa likod ng six wins at two draws at loss sa […]