Bersamina gold sa Asian chess board 3
- Published on October 26, 2020
- by @peoplesbalita
PINANGIBABAWAN ni International Master Paulo Bersamina ang impresibong ipinakita ng Pilipinas sa individual board awards sa patuloy ding ginaganap na Asian Nations Online Chess Cup nang makasakote ng gold medal sa board three.
Umiskor ang 22 taong-gulang na Pinoy woodpusher ng 7.0 points sa likod ng six wins at two draws at loss sa nine games. Dinale ang silver at bronze medal nina Grand- masters M. Amin Tabatbaei ng Iran at Max Illingworth ng Australia.
Medalyang pilak ang kinuwintas ni GM Rogelio Barcenilla, Jr. sa board two sa paghinga sa batok ni Indonesian GM Susanto Megaranto. Hinablot ang tanso ni Indian GM Parham Maghsoodloo.
May naka-bronze naman si Woman IM Jan Jodilyn Fronda sa board two rin para sa kumpletuhin ang atake ng Agila ng Pilipinas. (REC)
-
DOTr inireklamo ng ‘cyber libel’ transport leader, journo dahil sa corruption allegation
NAGHAIN ng reklamong paglabag diumano sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) laban sa isang transport leader at mamamahayag — ito ay matapos siyang paratangan kaugnay ng katiwalian. Ito ang inihain ni Transport Secretary Jaime Bautista sa Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules laban kina MANIBELA chairperson […]
-
PINOY PUGS VS JAPANESE RIVALS SA INT’L BOXING
PINOY laban sa Hapon ang namumuong hidwaan ngayon sa international boxing. Isa pang Philippine-Japan fight ang masasaksihan matapos ang naikasang laban nina Giemel Magramo at Japanese pug Junto Nakatani sa Abril 4 sa Tokyo, Japan. Pag-aagawan nina Magramo at Nakatani ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) flyweight crown na iniwan ni Japanese Kosei […]
-
410,000 nawalang trabaho sa bansa nabawi nitong Mayo sa gitna ng pandemya
Dumami ang bahagdan ng populasyon na nabawi ang nawala nilang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic nitong Mayo, ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Statistics Authority. Nasa 3.73 milyong katao kasi ang naitalang walang trabaho o negosyo nitong Mayo 2021, bagay na mas mababa sa 4.14 milyon noong Abril. “Ang unemployment […]