5.2 milyong pamilya, dumanas ng matinding gutom dahil sa COVID-19 – SWS
- Published on July 27, 2020
- by @peoplesbalita
Dumanas ng matinding kagutuman ang may 5.2 milyong pamilyang Pilipino sa nagdaang tatlong buwan dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey, sa 1,555 adult Filipinos na tinanong, 20.9 percent ang nagsabing sila ay nagutom dahil wala silang makain.
Ang bilang ang pinakamataas simula noong September 2014 nang 22 percent ng respondents o katumbas ng 4.8 million families ang nakaranas ng gutom, sabi ng SWS.
Sa July survey, 15.8% o may 3.9 million ang nagsabing dumanas sila ng katamtamang kagutuman sa nagdaang 3 buwan habang 5.1 percent o 1.3 million families ang madalas na nagugutom sa nakalipas na tatlong buwan ng pandemic.
Ang pagkagutom ay mataas sa Visayas sa 27.2 percent (1.3 million families), o pagtaas ng12.6% sa nakalipas na survey.
Sinundan ito ng Mindanao sa 24.2% (1.4 million families), Balance Luzon sa 17.8% (2 million families) at Metro Manila, 16.3% (546,000 families).
Ang kagutuman ay mas tumaas sa pamilyang hindi nakatapos ng elementarya (35.6%), sinundan ng mga pamilyang junior high school graduates (20.9%), at college graduates (8.9%).
Ang pandemic ang nagpabagsak sa ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng 2020. Ito na ang kauna-unahang pangyayari sa loob ng 22 taon at nagdulot ng pagkawala ng trabaho ng may 7.3 milyong Pilipino. (Daris Jose)
-
PBBM, ipinag-utos ang pagbibigay ng insentibo, rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga awtoridad ang pagbibigay ng one-time service recognition incentive na may uniform rate na hindi lalagpas sa P20,000 para sa executive department personnel. Nagpalabas ang Pangulo ng administrative orders na naglalayong magbigay ng service recognition incentive (SRI) para sa mga empleyado sa executive department at […]
-
Pinoy golfer Miguel Tabuena nagkampeon sa Idaho Open
Nagwagi si Filipino golfer Miguel Tabuena sa Idaho Open. Hindi naging maganda ang laro nito sa third round sa Quail Hollow Golf Club sa Boise, Idaho. Nagka-suwerte ito sa seventh round ng makapagtala ito ng eagle at birdie naman sa ika-siyam na round na nagtapos sa kabuuang 196 points. […]
-
[HORROR STORY] ANG LIBING Kuwento ni: Rey Ang
KALIMITAN ay madaling-araw na kung makauwi si Max mula sa pinapasukang convenient store sa bayan ng Lucban, Quezon. Mabuti na lamang at may nagagamit siyang electronic bike na nagsisilbi niyang service pagpasok at pag-uwi. Sa palagiang pag-uwi ng madaling-araw ay nasanay na si Max na bagtasin ang Mabini Street patungo sa kanilang bahay sa Barangay […]