Knicks, wagi kontra Hornets sa kabila ng limitadong bilang ng mga player
- Published on October 18, 2024
- by @peoplesbalita
PINATAOB ng New York Knicks ang Charlotte Hornets sa kabila ng limitadong bilang ng mga Knicks players.
Tinapos ng Knicks ang laban sa score na 111 -105 gamit ang 43.3 shooting percentage.
Siyam na player lamang ng Knicks ang available sa naturang laban at hindi nakapaglaro ang mga star player nito na sina Karl-Anthony Towns at Jalen Brunson.
Pinangunahan ni Precious Achiuwa ang naturang koponan sa pamamagitan ng kaniyang bigtime double-double performance: 20 pts, 16 rebounds.
18 points naman ang naging kontribusyon ng guard na si Miles McBride.
Sa kabilang banda, binuhat ni Brandon Miller ang Hornets gamit ang kaniyang 26 points at limang rebound sa loob ng 29 mins na paglalaro.
Naging malaking bentahe ng Knicks ang magandang depensa ng koponan at kumamada ng kabuuang 59 rebounds, 42 dito ay pawang mga defensive rebound.
Nagawa ng Knicks ang panalo sa kabila ng 18 3-pointers na ipinasok ng Hornets, gamit ang 36.7 3-point percentage.
-
Advance Tickets for Marvel Studios’ Thor: Love and Thunder Now on Sale
THE God of Thunder returns to the big screen with the local theatrical release of Marvel Studios’ “Thor: Love and Thunder,” the fourth installment in the Marvel Cinematic Universe’s ‘Thor’ saga. Marvel fans can now buy their tickets in advance by checking the show timings at https://movies.disney.ph/thor-love-and-thunder and at the cinemas nearest them. […]
-
‘Candyman’ Reboot from Producer Jordan Peele Unveils New Unsettling Trailer
THE upcoming horror film Candyman from director Nia DaCosta and producer Jordan Peele has just revealed a new trailer. Watch below: https://www.youtube.com/watch?v=TPBH3XO8YEU The new horror film centered on a painter becomes obsessed with the urban legend of the hook-handed killer, the Candyman. Candyman is a reboot of the 1992 film of the […]
-
Ugas tataob kay Pacquiao sa rematch — Fortune
Umaasa si strength and conditioning expert Justine Fortune na ikokonsidera ni People’s Champion Manny Pacquiao ang rematch kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas para sa kanyang final fight. Gusto ni Fortune na muling sumalang si Pacquiao sa huling pagkakataon dahil ayaw nitong magretiro ang Pinoy pug ng ganun ganun na […]