• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Asian MMA Manila Open tagumpay — Tolentino

PASADO sa Asian fe­de­ration head para sa mixed martial arts (MMA) ang matagumpay na pamamahala ng Pilipinas sa Manila Open—ang inaugural Asian MMA championships na nagtapos noong Miyer­kules sa Mariott Manila sa Pasay City.

 

 

“Is it through your commitment that we’re able to deliver such a remarkable successful event,” ani Asian MMA Association (AMMA) president Gordon Tang kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa thanksgiving dinner para sa three-day event na nagtampok sa mga best amateur MMA fighters sa Asia.

 

“I would like to congratulate all the athletes, coaches, referees and hardworking staff as we are excited about the ongoing development of MMA in Asia and beyond,” dagdag ng vice president ng Olympic Council of Asia na nagpasalamat din sa 9 Dynasty Group para sa pamamahala sa event.

 

 

“We offer our heartfelt thanks to NMMAPP president Abraham Tolentino and secretary-general Alvin Aguilar and to the 9 Dynasty Group for the unwavering support,” sabi ni Tang na namumuno rin sa Cambodia sailing association.

 

Si Tolentino ang nama­mahala sa Nasyonal MMA Pederasyon ng Pilipinas (NMMAPP) na may moniker na Pilipinas MMA, ang governing body para sa a­mateur MMA sport sa bansa.

 

 

Hinirang ang Tajikistan bilang inaugural overall champion ng Asian championships sa nahakot na apat na gold at dalawang silver medals kasunod ang Kazakhstan (3-2-1) at China (2-1-0).

Other News
  • Filipino actors, bida sa Romanian film na ‘To The North’: Movie ni JOHN LLOYD, magku-compete din sa ‘2022 Venice Film Festival’

    TATLONG Filipino actors ang mga bida sa Romanian film na To The North at magku-compete ito sa Orizzonti section ng 2022 Venice Film Festival.       Ang Love You Stranger actor na si Soliman Cruz ang bida sa To The North na tungkol sa isang religious Filipino sailor na si Joel na sakay ng […]

  • PNP sa publiko: Pagdiriwang ng Pasko, limitahan lang sa ‘family bubble’

    Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na limitahan lang sa tinatawag na family bubble ang pagdiriwang ng Pasko.     Ito’y sa gitna na rin ng pangamba na muling sumipa ang mga kaso ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) dahil sa mga pagtitipon habang papalapit na ang Pasko.     Ayon kay PNP Chief […]

  • McCullough ramdam na may sumabote sa kanya

    MAY pinatatamaan ang beterano ng National Basketball Association (NBA) player na si  Chris McCullough sa tweet tungkol sa naturalization niya nito lang isang araw.     Ipinahayag ng 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup import ng champion San Miguel Beer, na may umipit sa proseso ng kanyang pagiging naturalized player para sa Gilas Pilipinas. […]