McCullough ramdam na may sumabote sa kanya
- Published on February 19, 2021
- by @peoplesbalita
MAY pinatatamaan ang beterano ng National Basketball Association (NBA) player na si Chris McCullough sa tweet tungkol sa naturalization niya nito lang isang araw.
Ipinahayag ng 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup import ng champion San Miguel Beer, na may umipit sa proseso ng kanyang pagiging naturalized player para sa Gilas Pilipinas.
Hindi naman tinumbok kung ang kanyang pinahahagingan, pero isa si McCullough sa kinukunsiderang magiging susunod na naturalized player ng Gilas na dapat ang lumakad ng dokumento ay ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI).
Ilang ulit nang giniit ni McCullough na nais niyang maging parte ng national team bago pa umalis ng bansa pagkagiya sa Beermen sa trono ng midseason conference.
Magkalaban sa PBA ang Beermen at dalawa pang team ng San Miguel Corp. o ni Ramon S. Ang na Barangay Ginebra San Migueel Magnolia Hotshots at ang MVP Group na may tatlo ring koponan na mga nagpapatakbo sa SBPI. (REC)
-
Bishop Pabillo, nababahala sa mai-expired AstraZeneca vaccines
Nababahala si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo hinggil sa mga dumating na karagdagang 2-milyong donated COVID-19 AstraZeneca Vaccines sa bansa noong nakaraang linggo. Ito’y matapos makumpirma ng Department of Health na ang 1.5 doses ng nasabing vaccine ay mag-eexpired na sa Hunyo 30 at ang iba naman ay sa Hulyo 31. […]
-
2 wanted person sa Malabon, binitbit sa selda
DALAWANG wanted person sa frustrated murder at theft ang nalambat sa isinagawang magkahiwalay na joint operation ng pulisya sa Malabon city. Sa report PSMS Alddrich Reagan De Leon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni […]
-
Penitential walk ng mga pari sa Archdiocese of Manila, hindi isang political rally
Binigyang diin ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na tanging mga Pari lamang ng Archdiocese of Manila ang kabilang sa Penitential Walk sa unang araw ng Hunyo na idineklara din bilang ‘Day of Prayer and Fasting’ sa arkidiyosesis. Ayon kay Rev. Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng […]