• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barriers para sa back-riding couples walang gamit, mapanganib pa

Isang administration lawmaker ang hindi sangayon sa paglalagay ng barriers sa pagitan ng riders at back-rider ng motorcycle na kung saan sinabi niyang ito ay walang gamit at mapaganib pa na gamitin.

 

“I just hope that the task force will just forgo its shield requirement. I don’t see any reason why a divider or a shield for couples who eat, sleep and even take a bath together would be required to comply with such,” wika ni Ang Probinsiyano party-list Rep. Ronnie Ong.

 

Ayon sa kanya hindi lamang walang gamit at impractical kund hindi maglalagay din ito sa panganib sa mga motorcycle riders at maaari pang makasagabal sa ibang motorists at pedestrians.

 

Sinabi rin ni Ong na ang dagdag na requirement na ito ay siya rin pinagsisimulan ng mga reklamo mula sa mga riders dahil ito ay maaari rin na pagsimulan ng extortion mula sa mga tiwaling traffic enforcers.

 

Nagkalat na sa facebook ang mga reklamo ng mga riders dahil sa di umanong ginagawang pangongotong ng mga traffic enforcers.

 

“Instead of physical divider or a shield being installed on motorcycles, I suggest that riders just be required to wear full-face helmets, face mask, long-sleeve shirts or jackets, long  pants, gloves and closed shoes,” dagdag ni Ong.

 

Umaasa rin si Ong na mabibigyan ng pagkakataon ang iba pang miyembro ng pamilya ang sumakay sa motorcycle bilang back-riders subalit kinakailangan nilang mag comply sa mga health requirements protcols at mapatunayan nila na sila ay nagsasama sa iisang tahanan lamang. Sa ganitong paraan ay makakatulong din ito upang mabawasan ang mga commuters na parating stranded dahil walang masakyan.

 

Ayon pa rin kay Ong na kahit mahirap sa mga checkpoint personnel ang pag verify ng relationship ng mga motorcycle riders, ang Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases rin sana ay maging considerate sa mga sacrifices na pinagdadaanan ng mga motorista dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon ngayon General Community Quarantine (GCQ).

 

Sa ngayon, karamihan sa mga Filipinos ay gumagamit na rin ng bisikleta at motorcycles sa kanilang araw-araw na paglalakbay dahil na rin sa limitadong passenger capacity ng mga public transportation dahil sa ipinatutupad na health at social distancing protocols.

 

“Allowing motorcycle riders to ferry their family members is actually safer than compelling them to take public transportation along with complete strangers who are all potential coronavirus carriers” wika ni Ong.

 

Pinaalalahan din niya ang mga motorcycle riders na maging responsible sa kanilang pagtupad sa mga requirements na itinakda ng IATF habang binabalaan naman niya ang mga operators ng habal-habal na maaaring mag-take advantage sa bagong policy na ito.  (LASACMAR)

Other News
  • Lopez kapitbahay si Morente sa ‘Calambubble’ training

    TULUNGAN ang ‘magkapitbahay’!     Kapwa naka-quarantine sina sports stars Pauline Louise Lopez ng taekwondo at Michelle Morente ng volleyball sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna kaya naging magkasundo ang isa’t isa.     Habang ‘nakapiit’ sa hotel bilang paghahanda sa susunod nilang mga kompetisyon, naging magkatabi lang ang kwarto ng dalawa kaya nag-abutan […]

  • Ads July 27, 2024

  • Djokovic humirit na ‘wag siyang ikulong ng immigration bago ang visa hearing

    MULI NA namang na-detain ang kontrobersiyal na world’s number 1 tennis player na si Novak Djokovic sa Melbourne, dalawang araw bago ang pagsisimula ng Australian Open.     Ito ay matapos na kanselahin ng Immigration minister ang kanyang visa dahil ang kanyang presensiya ay baka magpalakas daw sa mga anti-vaccine groups.     Ang hindi […]