• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, kinondena ang barbaric attack sa broadcast journalist na si Ma. Vilma Rodriguez

KINONDENA ng Malakanyang ang barbaric attack sa local broadcast journalist na si Ma. Vilma Rodriguez.

 

“These kinds of vile and atrocious acts have no place in our nation, which values freedom, democracy, and the rule of law above all,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez sa isang kalatas.

 

Nanawagan naman ang Malakanyang sa mga awtoridad na magsagawa ng ‘swift at impartial probe’ sa nasabing malagim na pangyayari.

 

“No stone should be left unturned in the pursuit of those culpable,” ang sinabi ni Chavez.

 

Nakiisa naman ang Malakanyang sa mga naulila ni Rodriguez, 56 ng EMedia Productions Network, Inc., sa pagdadalamhati ng mga ito sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

 

Inatasan naman ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na magbigay ng ganap na suporta sa panahon ng kanilang paghihirap.

 

“We assure them, as well, of our commitment to pursuing truth and justice for Ms. Rodriguez,” ang sinabi ni Chavez.

 

Sa ulat, sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nakaupo si Rodriguez sa loob ng kanyang tindahan kasama ang kanyang ina, kapatid na babae, pamangkin nang biglang sumulpot ang suspek at makailang ulit na binaril ang biktima, dakong alas-8:45 ng gabi, araw ng Martes sa Comet Street, Barangay Tumaga.

 

“The investigation disclosed that the circumstances leading to this incident are not related to the victim’s work as a member of the media,” ang sinabi ni Colonel Kimberly Molitas, city police director ng Zamboanga City.

 

“We express our condolences to the family of the victim,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Booster shot para sa Team Philippines sa SEAG

    HIHILINGIN  ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Olympic Committee (POC) na mabigyan din ng booster shot ang mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ayon kay PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Mon Fernandez, naturukan na ng second dose ng vaccine laban sa coronavirus […]

  • Publiko, binalaan ng DOH sa heat stroke

    PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga heat-related illnesses, gaya ng heat stroke, ngayong nakakaranas ang bansa ng napakatinding init ng panahon.     Nauna rito, iniulat ng PAGASA na ang temperatura ng bansa ay maaaring umabot ng hanggang 45°C degrees Celsius sa ilang lugar mula Marso 28 hanggang kahapon, Abril […]

  • Kelot na-curfew nagbigay ng maling pangalan, kalaboso

    Lalong nabaon sa asunto ang isang 30-anyos na lalaki na nagtangkang umiwas sa pagbabayad ng multa sa pamamagitan ng pagbibigay ng maling pangalan makaraang mahuling lumabag sa curfew sa Navotas city.     Sa ulat na tinanggap ni Acting Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, sinita ng mga tauhan ng Navotas police si Andrew Fernandez, […]