• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P6.8 milyong shabu, nasamsam sa tulak sa Caloocan

AABOT P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang umano’y big-time tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcement Group Special Operation Unit-National Capital Region (PNPDEG-SOU-NCR) Chief P/Col. Darwin Miranda ang naarestong suspek na si alyas “Ross”, 30, mangingisda at residente ng Brgy. Tangos, Navotas City.

 

 

Ayon kay P/Major Renz Principe na nanguna sa operation, bago ang pagkakaaresto nila suspek ay nakatanggap na sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng ilegal na droga.

 

 

Nang magawa nilang makipagtrabsaksyon sa suspek, agad ikinasa ni Major Principe ang joint buy bust operation, kasama si P/Lt. Aldazer Sahisa, PDEA RO NCR na nagresulta sa pagkakaaresto sa kay ‘Ross’ dakong ala-1:12 ng hapon sa Madonna Lodge sa Brgy., 136 Bagong Barrio, Caloocan City.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 1000 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800,000.00, buy bust money na isang P1000 bill, kasama ang bundle ng boodle money, cellphone at green nap sack bag.

 

 

Pansamantalang nasa kustodiya ng PNPDEG, SOU NCR, sa Camp Bagong, Diwa, Taguig City ang suspek habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa kanya na paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • J.P. Morgan pinabulaanan ang maling ulat ukol sa pagbagsak ng Pinas sa listahan ng ASEAN investment

    NILINAW ng American financial services giant J.P. Morgan na mali ang iniulat ng ilang media ukol sa pagbagsak ng Pilipinas sa investment list ng Southeast Asian matapos ang landslide victory ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa katatapos na eleksyon nitong Mayo 9.     Sa isang pahayag, nilinaw ni Patricia Anne Javier-Gutierrez, Executive Director, […]

  • Pinas, Malaysia palalakasin ang pagtutulungan sa edukasyon, disaster response- Malakanyang

    KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Malaysia na palakasin ang pagtutulungan sa edukasyon at disaster response.   Isinagawa ang kasunduan matapos na mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dr. Ahmad Zahid Bin Hamidi, Malaysia’s Deputy Prime Minister at Minister for Rural and Regional Development, sa Palasyo ng Malakanyang.   Sa ginawang courtesy call […]

  • Pinay powerlifter sa Tokyo Paralympics nagpositibo sa COVID, coach ‘di na rin makakasama

    Labis labis ang pagkadismaya ng isa sa mga atleta ng Pilipinas na sasabak sa 2020 Tokyo Paralympics matapos na hindi matuloy dahil sa nahawa sa COVID-19.     Una rito kinumpirma ni Philippine Paralympic Committee (PPC) president Michael Barredo na dinapuan ng virus si Filipina powerlifter Achele Guion.     Dahil dito maging ang kanyang […]