• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtestigo under oath ni VP Sara sa Kamara, kapalit na kondisyon sa drug, psycho tests ng mga mambabatas

TINANGGAP ng mga mambabatas na miyembro ng Young Guns sa Kamara ang hamon ni Vice President Sara Duterte na sumailalim sa mga tests sa illegal drug substances at psychiatric evaluation, sa kabila na walang pangangailangan para dito.

 

Ngunit, may kondisyon ang mga mambabatas sa bise presidente na manumpa ito sa harap ng House Blue Ribbon Committee na nagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y maling paggamit ng pondi ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

 

“We are more than willing to take the drug test and psychiatric exam, as the Vice President suggested, but we will not allow her to divert the real issue, which is the allegations of fund misuse and graft and corruption against her. We believe that transparency should go both ways. If she wants to challenge us, she should be ready to face the House Blue Ribbon Committee and testify under oath,” pahayag ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun.

 

Iginiit ng mambabatas na hindi lamang ito para linisin ang pangalan mula sa walang basehang akusasyon kundi pananagutan ng bawat public official,
“I am prepared to take these tests, and I am sure my colleagues are as well. However, the public deserves the same level of transparency when it comes to the use of public funds, and this can only happen if Vice President Duterte agrees to testify,” ani Khonghun.

 

Nag ugat ang hamon ng VP mula sa mga kritisismo laban sa kanya kabilang na ang panawagan mula sa mga miyembro ng Young Guns, partikular na sa mga naging kontrobersiyal na pahayag at desisyon.

 

Sinabi naman ni House Assistant Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega na handa silang sumailalim sa mga tests dahil wala naman silang itinatago. Gayunman, dapat ipakita ng pangalawang pangulo na magpakita ng accountability sa pamamagitan nang pagharap sa kongreso at sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.

 

“We have nothing to hide. We’re ready to undergo these tests, but in the same breath, the Vice President should demonstrate her accountability by appearing before Congress to answer the allegations of fund misuse in her office. Only then will this challenge truly serve the public interest,” ani Ortega.

 

Isinuwestiyon nito na gawin ng neutral third-party groups ng medical experts ang drug at psychiatric exams upang masiguro na ang proseso ay ‘objective and transparent.’ (Vina de Guzman)
Other News
  • Pagpapalabas ng P3 bilyong karagdagang pondo ng DSWD, aprubado na ng DBM

    PARA patuloy na mabigyang tulong ang mga indibidwal at mga pamilyang nangangailangan, inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo na nagkakahalagang P3 bilyon para sa kinakailangang budget para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.     Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas […]

  • Balitang pabalik na ng ‘Pinas si Tom: CARLA, lumipat na ng management para walang conflict

    NGAYONG August 2023 ay ipinagdiriwang ni Sen. Bong Revilla Jr. ang ika-50 anibersaryo sa  show business, na sa kabila ng napakaraming pelikulang nagawa ay nananatili pa rin ang kakisigan at tila hindi tumatanda.       Bukod sa kanyang anibersaryo ay ipagdiriwang din ni Sen. Bong ang kanyang ika-57 kaarawan sa darating na Septyembre 25 na […]

  • Eric Gordon, baka mawala ng 2 weeks dahil sa ankle injury – sources

    Pinangangambahan ngayon na posible umanong abutin ng hanggang dalawang linggo ang pagkawala ni Houston Rockets guard Eric Gordon makaraang magtamo ito ng ankle injury. Ayon sa mga impormante, inaasahang bukas malalaman ng koponan ang lala ng pinsalang natamo ng Rockets guard. Pero sinabi ni Houston coach Mike D’Antoni, negatibo naman daw ang lumabas sa X-ray. […]