• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eric Gordon, baka mawala ng 2 weeks dahil sa ankle injury – sources

Pinangangambahan ngayon na posible umanong abutin ng hanggang dalawang linggo ang pagkawala ni Houston Rockets guard Eric Gordon makaraang magtamo ito ng ankle injury.

Ayon sa mga impormante, inaasahang bukas malalaman ng koponan ang lala ng pinsalang natamo ng Rockets guard.

Pero sinabi ni Houston coach Mike D’Antoni, negatibo naman daw ang lumabas sa X-ray.

Sa ngayon, pinag-iisipan na ni D’Antoni kung papaano nito papalitan si Gordon sa starting lineup sakaling hindi ito maglaro sa opening game ng koponan laban sa Dallas Mavericks sa Sabado.

Ilan sa mga pinagpipilian ni D’Antoni na posibleng humalili muna kay Gordon sina Ben McLemore at Danuel House Jr.

Other News
  • Pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa, inaasahan na- Dr. Solante

    INAASAHAN na  ni  infectious disease expert Dr. Rontgene Solante ang  pagtaas ng kaso ng dengue na naiuulat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.     Ani Solante, year in- year out ay sadyang mataas ang dengue cases lalo’t apat na stereotypes ng sakit ang naririto sa Pilipinas.     Ito aniya ay ang  DENV-1, DENV-2, […]

  • Human rights violations sa Pinas, bumaba sa kalahati noong nakaraang taon -PBBM

    BUMABA sa kalahati ang insidente ng paglabag sa karapatang-pantao sa Pilipinas noong nakaraang taon, kumpara sa taong 2022.     Hindi naman nagbigay pa ng detalye si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ukol sa bagay na ito sa kanyang naging talumpati sa isinagawang oath-taking ceremony ng star-rank officials ng Philippine National Police sa Palasyo ng […]

  • 2 drug pushers huli sa P442K shabu

    Pinuri ng bagong Northern Police District (NPD) Director na si P/BGen. Eliseo Cruz ang District Drug Enforcement Unit (DDEU) matapos ang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakasabat sa halos P.5 milyon halaga ng shabu mula sa dalawang naarestong drug pushers sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni P/BGen. Cruz ang naarestong […]