• October 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P10-M, inisyal na pinsala sa agri sa Bicol- DRRM ng DA

PUMALO na sa P10 milyong halaga ng inisyal na pinsala sa agrikultura sa Bicol region ang naitala ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center dahil sa Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami).

 

 

“Based on the initial assessment of the DA Regional Field Office in Bicol Region, damage and losses have been reported in rice and corn amounting to PHP9.75 million affecting 234 farmers,” ang nakasaad sa kalatas ng DA-DRRM.

 

 

Tinatayang, mayroon namang 598 metric tons (MT) sa 209 ektarya ng rice at corn plantation ang naiulat na napinsala, pagkawala sa rice production na 203 MT na nagkakahalaga ng P9.6 milyon sa Camarines Norte.

 

 

Samantala, sa sektor ng mais, 7.50 MT ang nawala sa Camarines Sur na nagkakahalaga ng P167,000.

 

 

Tiniyak naman ng DA na mamamagitan ito sa mga apektadong magsasaka kabilang na ang pamamahagi ng agricultural inputs para sa bigas, mais at high-value crops kabilang ang ‘seedlings, drugs, at biologics; PHP25,000 loanable na halaga para sa kada magsasaka na puwedeng bayaran sa loob ng tatlong taon na may zero interest; at indemnification ng insured farmers sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Industry (PCIC).

Other News
  • CHANNING TATUM BURNS UP THE STAGE IN “MAGIC MIKE’S LAST DANCE”

    CHANNING Tatum reprises his iconic role as stripper Mike Lane in Warner Bros. Pictures’ new musical comedy “Magic Mike’s Last Dance.”       [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/MRVXQeGjCMs]     In the film, “Magic” Mike Lane (Tatum) takes to the stage again after a lengthy hiatus, following a business deal that went bust, leaving him […]

  • Pormal na dayalogo sa isyu ng nurses shortage sa government hospitals, gawin

    HINIKAYAT  ng chairman ng House Committee on labor and employment ang pagsasagawa ng dayalogo upang matugunan ang kakulangan sa nurses sa mga government hospitals sa bansa.     Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles, chairman ng komite na una dapat magsagawa muna  ng dayalogo at magbuo ng istratehiya para mabigyan ng long term solution ang […]

  • VP Leni, nakipagkita na sa team ni Sara Duterte para sa transition talks

    NAKIPAGKITA na si outgoing Vice President Leni Robredo sa mga kinatawan ni Vice President-elect Sara Duterte para sa transition talks.     Winelcome ni Robredo at binigyan ng tour ang transition team ni Duterte sa naging pagbisita ng mga ito sa Office of the Vice President (OVP) sa Quezon City.     Sa naging pagpupulong, […]