• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa DBM: Agad na ilabas ang pondo para sa relief ops

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) na kagyat na ilabas ang pondo para sa relief operations kasunod ng pananalasa ng Tropical Storm Kristine.

 

 

“I have ordered the DBM Secretary to immediately release all necessary funds so that needed resources can be procured expeditiously,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang kalatas.

 

 

Siniguro rin ng Pangulo ang mabilis na pagkilos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para kaagad na makapagbigay ng relief goods, kapuwa pre-positioned at bagong suplay para madagdagan ang naibigay na ng local government units sa lahat ng mga apektadong lugar.

 

 

Magkakaloob naman ang DSWD ng tulong pinansiyal sa ilalim ng umiiral na government programs.

 

 

Inatasan naman ng Pangulo ang Department of Agriculture (DA) na ipatupad ang ‘quick planting at production turnaround plan’ para tulungan ang mga magsasaka na apektado ng masamang panahon.

 

 

Nauna rito, ipinag-utos naman ng Chief Executive sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na kaagad na magsagawa ng emergency road clearing operations. ( Daris Jose)

Other News
  • Savings at Shelter financing ng Pag-IBIG fund, matatag

    NANANATILING matatag ang savings at shelter financing ng Home Development Mutual Fund (HDMF), o mas kilala bilang Pag-IBIG Fund sa ikatlong quarter ng 2024.   Ito naman ang iniulat ni Domingo Jacinto, Jr., Acting Vice President ng Pag-IBIG Fund sa kanyang pagharap sa Kapihan sa Bagong Pilipinas kahapon.   Ayon kay Jacinto, umabot sa P98.72-B […]

  • Posibleng pagba-bahay bahay para sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine

    Sa pagdinig pa rin ng Committee on Health sa Kamara, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na exception lamang ito sa mga rules dahil kailangan pa ring sundin ang COVID-19 nationwide implementation na surveillance at monitoring ng adverse effects ng bakuna.    Magkagayunman, sinabi ni Duque na isa ang “house to house inoculation” sa […]

  • Kung mabibigyan ng pagkakataon: JULIE ANNE, pinapangarap ni Kapuso Soul Balladeer GARRETT na maigawa ng kanta

    NAIS ni Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden na sumulat ng songs para kay Julie Anne San Jose.     Sobrang bait daw kasi si Julie at may naiisip na raw siyang song na bagay dito.     “If I were given a chance, I would really love to write a song for her. Nung umpisa […]