PBBM sa mga ahensiya ng gobyerno: Maghanda para sa paparating na cyclone
- Published on October 28, 2024
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensiya ng gobyerno na maghanda sa tropical cyclone na inaasahan na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong linggo.
“We’ll just have to keep monitoring the situation and make sure, always, the rescue and relief don’t stop. It doesn’t matter [if] there’s another storm coming, we cannot stop. That cannot stop,” ayon kay Pangulong Marcos sa situational briefing.
Nagbigay ng kautusan ang Pangulo sa kabila ng patuloy na pakikipagbuno ng bansa sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine
“And then, the support that we are giving, that DSWD (Department of Social Welfare and Development) is giving [to] those who have been displaced, who are still in the evacuation centers, there are [those] staying outside of their homes, with their relatives, their friends, that also cannot stop,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, sinabi ng PAGASA na ang cyclone ay maaaring pumasok sa bansa, Martes ng umaga at lumabas sa northern boundary ng PAR, araw ng Miyerkules.
Samantala, nakapagtala ang Office of Civil Defense (OCD) ng 46 na tao na nasawi sa hagupit ng bagyong “Kristine” (international name: Trami).
Habang tinatahak na ng bagyo ang karagatan, patuloy ang pagkilos ng mga rescue worker para matulungan ang mga taong na-trap sa kanilang mga bahay dahil sa mataas na baha.
Nagkaroon din ng kakulangan sa rubber boats pero mayroon na umanong mga paparating.
Batay sa datos mula kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, karamihan sa mga nasawi ay mula sa Bicol Region na 28, sumunod ang Calabarzon na may 15.
May tig-isang naitalang nasawi sa Ilocos Region, Central Luzon, at Zamboanga Peninsula.
Mayroon ding 20 nawawala, at pito ang sugatan.
Sa kanyang talumpati nitong Biyernes, nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga naging biktima ng bagyo.
Iniutos naman ni Pangulong Marcos ang full mobilization ng military assets para sa relief operations upang mahatiran ng tulong ang mga biktima.
Tinatayang 20 bagyo ang tumatama sa Pilipinas bawat taon. Pero sa mga bagong pag-aaral, napapansin na ang mga bagyo na tumatama sa Asia-Pacific region ay nabubuo malapit na sa mga dalampasigan, at mabilis na lumalakas, at nagtatagal sa kalupaan.
Pinaniniwalaan na may kaugnayan dito ang climate change. (Daris Jose)
-
Museum na makikita ang Leni-Kiko campaign memorabilia binuksan sa publiko
PINANGUNAHAN ni dating Vice President at tumatayong Angat Buhay Chairperson Atty. Leni Robredo ang pagbububukas ng Museo ng Pag-Asa sa Quezon City. Nakapaloob sa museum ang mga memorabilia sa kanyang 2022 campaign kasama ang running-mate na si dating senator Kiko Pangilinan. Makikita rin sa loob ng museum, ang Angat Buhay office, […]
-
Nat’l Privacy Commission, nagbabala laban sa pagsasamantala sa mga kabataan
NAGBABALA ang National Privacy Commission (NPC) laban sa mga “online abuse at exploitation” na target ang mga kabataan sa isinagawang Youth Privacy Advocates Annual Summit. “Hihimukin nila na magbigay ka ng personal na impormasyon, gagawing ka-close yung mga bata. Ige-gain nila yung trust nung mga nakakausap nilang bata,” ayon kay Public Information and […]
-
‘Uninterrupted’ gov’t services sa Sulu, titiyakin ng administrasyong Marcos-Pangandaman
TITIYAKIN ng administrasyong Marcos na mananatiling tuloy-tuloy at walang hadlang ang serbisyo ng gobyerno sa lalawigan ng Sulu. Ito ang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM). Inihayag ang commitment na ito nang ang Intergovernmental Relations Body (IGRB), binubuo ng mga kinatawan mula sa national at Bangsamoro governments, nagpulong noong Oct. 11 […]