ININSPEKSYON ni Mayor John Rey Tiangco ang parte ng coastal dike sa Navotas City
- Published on October 28, 2024
- by @peoplesbalita
ININSPEKSYON ni Mayor John Rey Tiangco ang parte ng coastal dike sa Navotas City na nasira ng mga barkong dumikit dito dahil sa malakas na hangin na dala ng Bagyong Kristine. Ayon kay Mayor Tiangco, ipapa-assess ang damage dito para mapaayos ng mga kumpanyang nagmamay-ari ng mga barko.
Hinihintay nalang aniya na tumaas ang level ng high tide at kumalma ang dagat para mahatak na ang mga barko palayo sa dike.
Patuloy itong babantayan ng pamahalaang lungsod, kasama ang mga Coast Guard, hanggang maialis na ang mga barko dalampasigan ng Navotas. (Richard Mesa)
-
DOH nagpaliwanag vs COA report: ‘Mga gamot naipamahagi na’
NAGPALIWANAG ang Department of Health (DOH) matapos punahin ng Commission on Audit (COA) ang P2.2-billion halaga ng expired at over- stocked na gamot na hindi raw naipamahagi ng ahensya mula 2019. “The DOH responded to the issue that DOH has around P2.2 billion worth of expired drugs and medicines, and medical and dental supplies […]
-
Pacquiao kumasa sa hamon ni Pres. Duterte
Kumasa na si Senator Manny Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro sa kanya ang opisina ng gobyerno na sangkot sa kurapsyon. Sinabi ng senador na mismo ang pangulo ang nagsabi noong Oktubre 27, 2020 na lalong lumala ang kurapsyon kaya gugugulin niya ang natitirang taon sa panunungkulan para labanan ang […]
-
Kevin Durant at Kyrie Irving ng Nets itsapuwera sa Christmas Day games ng NBA
UMANI ng atensiyon sa ilang basketball analysts at fans ang pag-itsapuwera ng NBA na mapasali sa prestihiyosong Christmas Day games ang mga superstars na sina Kevin Durant at Kyrie Irving. Una nang naglabas ng advance schedule ang NBA para sa Christmas Day na kinabibilangan ng mga sumusunod: Milwaukee Bucks versus Boston Celtics […]