Coalition for Good Governance (CGG) hiningi ang pag-aalis kay LTO chief
- Published on October 31, 2024
- by @peoplesbalita
ISANG grupo na tinatawag na Coalition for Good Governance (CGG) ang nanawagan kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tanggalin sa puwesto si Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Vigor D. Mendoza II.
Hiniling ng grupo na alisin sa puwesto si Mendoza dahil sa alegasyon ng korupsyon sa LTO.
Ayon sa grupo na pinapayagan ni Mendoza na magkaron ng mga maanomalyang transaksyon dahil sa paggamit ng dati at lumang LTO-IT system.
Ayon sa isang report, ang lumang IT system na tinutukoy ay ang Stradcom’s Motor Vehicle Inspection and Registration System (MVIRS).
Ang mga lumagda sa petisyon kay President Marcos ay sila Diolito Inosanto, president ng FELTOP; Augosto Lagman, AAP Board Member; at Martin Delos Angeles, vice-president ng Philippine Transport Monitor.
Binatikos ng mga lumagda ang pagtataas ng registro at computer fees sa LTO gamit ang lumang Information Technology system. Tinuligsa rin ng grupo ang di umano’y maanomalyang pagrerehistro ng mga sasakyan ng walang insurance policies o di kaya ay may pekeng insurance at walang kaukulang inspeksyon.
Nakasaad sa petisyon na sila ay nanawagan sa Pangulo na palitan na ang kasalukuyang namumuno sa LTO at magtalaga ng bagong LTO chief na walang bahid ng korupsyon upang magpatuloy ng tunay na reporma sa LTO.
“Stradcom’s contract with the LTO expired several years ago, but the system remains partially operational under what is termed a phaseout agreement. In December 2021, then LTO assistant secretary Edgar Galvante issued a memorandum mandating the decommissioning of Stradcom’s LTO-ITS driver’s license module. This directive instructed driving schools and medical clinics to send data solely through the Land Transportation Management System (LTMS), a government-owned platform designed to replace Stradcom,” wika ng isang dating IT LTO consultant na hindi nagpakilala.
Ang LTMS ay ginastusan ng pamahalaan ng halos P8 billion pesos. Sa ngayon, parehas na ginagamit ang Stradcom at LTMS kahit na bigong magkaron ng full operasyon ang huli.
Sa website ng LTO, nakalagay dito na ang LTMS ay may 27/7 online portal na nag proproseso ng transaksyon para sa mga licenses, registrations, renewals, at ibang pang concerns ng motoring public sa buong bansa.
Ayon sa isang kritiko, kahit na gumastos na ang pamahalaan ng malaking halaga sinasabi nila ang phasing out ng dating system ay nababalam pa rin. Patuloy pa rin nakakuha ang LTO ng mga reklamo tungkol sa mga irregularities, inefficiencies at accusations ng mga korupsyon sa ahensiya.
Dati pa sinabi ni Mendoza na kanyang ipapatupad ng buo ang LTMS noong nakaraang November 2023 subalit hindi ito nangyari.
Samantala, noong nakaraang Augusto ay nag post ang LTO sa kanilang website na ang kanilang Management Information Division (MID) ay nagsagawa ng isang comprehensive briefing para sa flow ng proseso sa LTMS portal.
“This initiative was carried out under my directive aimed at bolstering the agency’s digital programs. This is also in line with President Ferdinand Marcos Jr’s mandate for comprehensive digitization across all government agencies,” wika ni Mendoza.
Sa ngayon ay hindi pa sumasagot si Mendoza sa mga bagong akusasyon sa kanyang ahensya tungkol sa alegasyon ng kurupsyon at ang ginawang pagtataas ng computer fees. LASACMAR
-
Subvariant ng Omicron, ‘di pa variant of concern
HINDI pa dapat mangamba ang publiko sa nakapasok sa bansa na BA.2.12 subvariant ng Omicron variant ng COVID-19. Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang nasabing subvariant ay hindi pa tinukoy ng World Health Organization (WHO) bilang variant of interest o variant of concern. Muli niyang hinikayat ang publiko […]
-
Ads June 29, 2024
-
No. 40 top most wanted person ng PRO 3, nabitag ng NPD sa Valenzuela
NALAMBAT ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang isang lalaki na listed bilang No. 40 top most wanted ng PRO 3 sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni DSOU chief PLt. Col. Rommel Labalan ang naarestong akusado bilang si Bonifacio Clemente, 51, […]