• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gin Kings wapakels sa papansin ni Slaughter

DINEDMA lang ng kampo ng Barangay Ginebra San Miguel ang papansin ng dating higante nilang manlalarong si Gregory William (Greg) Slaughter.

 

Oktubre 6 o Martes nang magpaskil ng litrato sa Instagram si Gregzilla na nakabalik na ng Maynila mula sa Estados Unidos ng Amerika.

 

“It’s good to be back home!” caption niya.

 

Pagkaraan ayudahan ang Gin Kings na muling makopo ang trono 44 th Philippine basketball Association o PBA Governors’ Cup crown nitong Enero, pinasya ng 32 taong-gulang at may taas na 7-0 talampakang center na magpahinga muna sa pagbabasketbol.

 

Wala siyang nilagdaan bagong kontrata sa crowd favor- ite squad na nag-draft sa kanya bilang top pick overall sa PBA Rookie Draft 2013, naglamyerda muna ng US para aniya magmuni-muni.

 

Panya-pnay ang mga post ng Fil-Am na tubong Cleveland, Ohio ng videos nna nagwo- workout, nasa gym siya. Pero walang reaksyon ang PBA team niya at maging teammates.

 

Hawak pa rin ng Ginebra ang alas o karapatan sa basketbolista, pero hindi na para habulin siya dahil ang BGSM ang kawalan sa kanya at hindi siya ang kawalan sa Kings.

 

Pa-restart na sa Clark Freeport Economic Zone bubble sa Angeles City, Pampanga ang 45th PBA Philippine Cup 2020 eliminations na kinansela noong Marso dahil sa Covid-19. Hindi isinama ang kanyang pangalan ni coach Earl Timothy (Tim) Cone ang pangalan niya sa 15 manlalaro.

 

Sasalang ang mag-aalak kontra NorthLuzon Expressway o NLEX Road Warriors sa pangalawang laro sa Oktubre Oct. 11. (REC)

Other News
  • Honasan, naghain ng COC sa ilalim ng Reform Party

    NAGHAIN na rin si dating senator Gringo Honasan III ng Certificate of Candidacy o COC sa huling dalawang araw ng paghahain ng kandidatura sa Manila Hotel Tent City ngayong Okt.7.     Si Honasan ay unang sumabak sa pulitika noong 1995 bilang isang kauna-unahang independent candidate sa kasaysayan ng Pilipinas na nakakuha ng pwesto.   […]

  • US tennis star Coco Gauff napiling maging flag bearer sa Olympics

    NAPILI si US women’s tennis star Coco Gauff na isa sa magiging flag bearer ng America para sa opening ceremony ng Paris Olympics.       Makakasama niya si NBA superstar LeBron James.       Ang 20-anyos na tennis player ay itinuturing na pinakabatang flag-bearer sa kasaysayan ng US sa Olympics.       […]

  • MMDA handa sa bantang 2-linggong welga ng PISTON

    NAGDEKLARA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa sila sa balak na magkaron ng 2-linggong welga na gagawin ng mga grupo ng progresibong sektor ng transportasyon.     Ayon sa balita na ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operaytor Nationwide (PISTON) at Manibele ay muling maglulungsad ng welga upang iprotesta ang plano ng […]