• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TRO ng SC sa PhilHealth fund transfer, pinuri ni Bong Go

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na humahadlang sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury.

 

 

“This is one big win for the Filipino people! Sulit ang ating pangungulit!” ani Go sa pagsasabing ang mga pondo ng pampublikong kalusugan ay dapat na gamitin lamang sa kalusugan at kagalingan ng mga Pilipino.

 

 

“We thank the Supreme Court for heeding the calls to temporarily stop the illegal and immoral transfer of health funds from PhilHealth to finance projects unrelated to the health and wellness of our people,” dagdag niya.

 

Ang utos ng Korte Suprema ay kasunod ng tatlong petisyon na nagsasaad na ang transfer ay magpapahina sa sektor ng kalusugan. Nilinaw ni Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting na habang pinipigilan ng TRO ang nasabing paglilipat, ang mga pondong na-transfer na sa Treasury ay hindi awtomatikong maibabalik. Nitong Oktubre, ang Department of Finance (DOF) ay naglipat na ng P60 bilyon, at isa pang tranche ang inaasahan sa Nobyembre.

 

 

Ang desisyon ng Korte Suprema, sabi ni Go, ay ayon sa kanyang patuloy na panawagan na pangalagaan ang mga pondong inilaan para sa pangangalagang pangkalusugan.

Other News
  • AIKO at MARTIN, nagkaroon ng reunion sa 14th birthday ng kanilang anak na si MARTHENA

    NAGULAT ang marami sa biglang pagpanaw ng veteran actor na si Orestes Ojeda sa edad na 65.     Pancreatic cancer ang naging sakit ng aktor at pumanaw siya noong Martes, 4:13 PM sa isang ospital sa Taguig City.     Ang anak ni Ojeda na si Lois Nicole Pagalilauan ang nagkumpirma sa nangyari sa […]

  • Kamara umaasa na sasang-ayon si Pangulong Duterte sa panukala para sa Coconut Trust Fund

    Umaasa ang kamara na malalagdaan ni Pangulong Duterte ang panukalang magtatatag sa Coconut Levy Trust Fund upang maging batas.   Ayon kay Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, ang mga usapin sa unang panukala sa coconut levy na inayawan ni Pangulong Duterte noong nakalipas na taon, ay natugunan na sa ilalim ng bagong panukala, na inaprubahan […]

  • Korea’s All-Time Favorite Crime Busters Return and Head to PH in The Roundup: Punishment

    THE latest installment of Korea’s most-loved action blockbuster The Roundup: Punishment starring Don Lee finally takes its action in the Philippines.       In the borderless action-comedy, The Roundup: Punishment timely touches on the controversies of online gambling, locally known as POGOs (Philippine Offshore Gaming Operators) as it sees the team of Ma Seok- […]