Pagkamatay ng mga high profile inmates sa NBP, iimbestigahan
- Published on July 22, 2020
- by @peoplesbalita
Welcome umano kay Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag ang direktiba ng Department of Justice (DoJ) na pumasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng mga high profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP).
Una rito, nagpalabas ang DoJ ng departm order (DO) para magsagawa na ang NBI ng malalang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga high profile inmates.
Base sa DO 179 na pirmado ni Justice Sec. Menardo Guevarra, binigyan lamang niya ang NBI ng 10 araw para imbestigahan ang kontrobersiyal na isyu.
Inatasan din niya si NBI Officer-in-Charge (OIC) Eric B. Distor na magsumite ng progress report sa tanggapan mismo ng justice secretary kapag natapos na ang isinasagawang imbestigasyon.
Kapag nakitaan daw ng sapat na ebidensiya kung meron man ay kailangang sampahan ng NBI ng karampatang kaso ang mga sangkot sa insidente.
Kahapon nang magtungo si Bantag sa DoJ mtapos siyang ipatawag ni Guevarra dahil sa pagkamatay ng mga high profile inmates na kinabibilangan ni Jaybee Sebastian na tumestigo noon laban kay Sen. Leila de Lima dahil sa paglaganao daw ng iligal na droga sa loob ng pambansang piitan.
Sinabi naman ni Guevarra na na sumentro ang pagpupuong nila ni Bantag sa sitwasyon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa BuCor.
Kabilang na raw dito ang pagkamatay ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na humaharap sa mga kasong may kinalaman sa illegal drugs.
Ayon daw kay Bantag, 21 na PDLs ang kumpirmadong namatay dahil sa coronavirus mula noong buwan ng Marso.
Siniguro naman daw ni Bantag na under control na ang health situation sa BuCor.
Sa ngayon, nasa limang PDLs na lamang daw ang nasa isolation facility ng NBP o mas kilalang Site Harry.
Ang Site Harry ang pinakamalaking quarantine at isolation facility sa BuCor na mayroong 300 bed capacity.
Ipinarating din umano ni Bantag na ang sinusunod nilang protocol ay ang mandatory cremation ng mga bangkay sa loob ng 12 oras para mapigilan ang pagkalat pa ng virus.
Kaya naman agad daw isinailaim sa cremation ang bangkay ni Sebastian 12 oras matapos itong mamatay. (Daris Jose)
-
Operasyon ng MVIS hubs pinahihinto ng Senado at Kongreso
Magkasunod na humiling ang mga Senador at Kongresman na pahintuin ang pagpapatupad ng implementasyon ng pribadong motor vehicle inspection system (MVIS) ng Land Transportation Office (LTO). Ayon sa mga Senador, ang MVIS ay unconstitutional at pagisisimulan lamang ng malawakang kurupsyon. Sa nakaraang imbestigasyon ng Senado ay hiningi ni Senate committee on public services […]
-
Qatar, magdo- donate ng P23-milyong halaga ng bakuna sa Pinas
MAGDO-DONATE ang Qatar government sa PIlipinas ng USD450,000 (P23 million) na halaga ng coronavirus vaccine. “The aim of the support is to provide additional 50,000 doses of Sinovac anti-Covid-19 vaccine for the cost of USD450,000, to the people of Philippines. The support comes as a continuation of Qatar’s response to provide wider access […]
-
PBBM, namahagi ng bigas sa mga benepisaryo ng 4Ps sa Maynila
BILANG bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na makapagbigay ng sapat na suplay ng bigas sa bawat filipino, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pamamahagi ng parte ng nakumpiskang smuggled rice sa 1,000 residente sa San Andres, Manila, araw ng Martes. “Bilang patunay na ang pamahalaan ay seryoso sa pagsugpo ng smuggling – […]