• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 22nd, 2020

UFC star Gilbert Burns, gumaling na mula sa COVID-19

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Gumaling na mula sa coronavirus si UFC star Gilbert Burns.

 

Isinagawa ang pagsusuri sa kaniya matapos ang dalawang linggo ng ito ay magpositibo sa COVID-19.

 

Nagpost pa ang 34-anyos na UFC star ng test resutl nito sa kaniyang social media account.

 

Magugunitang tinanggal siya sa laban kay Kamaru Usman matapos magpositibo at ito ay pinalitan ni Jorge Masvidal.

 

Dahil dito ay inaayos na ni UFC President Dana White ang laban ni Burns kay Usman.

 

Hihintayin lamang nilang gumaling si Kamaru matapos na mainjured ang kaniyang ilong sa laban nila ni Masvidal.

PSC payroll scammer, niresbakan ni Ramirez

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Agad na kumilos si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez upang mabawi ang P14M na salaping ninakaw sa ahensya ng isang staff nito na “payroll scammer.”

Sinulatan ni Ramirez, na nagbalik sa trabaho matapos lumiban sa ahensya ng isang buwan, ang Office of the Solicitor General (OSG) upang hingin ang tulong nito para kumpiskahin ng gobyerno ang assets nang inarestong si Paul Michael Ignacio na nasa likod ng payroll scam.

“We need all the help we can get to get to the bottom of this and make every effort that nothing of this sort ever happens again,” paliwanag ni Ramirez na agad ding kinausap ang PSC board upang talakayin ang naging problema.
Hiniling ni Ramirez sa OSG na patibayin at palakasin pa ang kaso ni Ignacio at kumpiskahin na rin ng gobyerno ang assets o ari-arian ng nasabing empleyado upang makabawi sa ninakaw nito sa gobyerno.

Matatandaang nitong nakaraang Linggo ay inaresto ng ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si Ignacio matapos madiskubre ni PSC Executive Director Merlita Ibay ang umano’y ginagawa nitong kabulastugan.
“The board is 100% with the Chairman on this,” ani Commissioner Ramon Fernandez na siyang nakatalagang officer-in-charge nang madiskubre ang iregularidad.

Bed capacity ng NKTI at St. Lukes Medical Center napuno na

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Napuno na ang bed capacity ng St. Luke’s Medical Center at National Kidney and Transplant Institiute.

 

Ito ay matapos ang patuloy na paglobo ng mga pasyente na dinapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang naitakbo sa pagamutan.

 

Dahil dito ay naglabas ng pahayag ang dalawang institusyon na lumipat na lamang sa ibang pagamutan ang mga pasyente.

 

Ayon sa St. Lukes Medical Center, na ang kanilang intensive care unit sa Quezon City at Bonifacio Global City.

 

Maging ang kanilang mga kama sa emergency rooms ay napuno na rin kahit na dinoble ang kapasidad nito.

 

Nanawagan naman ng ayuda si NKTI executive director Rose Marie Rosete-Liquete, dahil sa dagsa pa rin ang mga dialysis patients mula sa ibang lugar at napuno na rin ang kanilang emergency room.

 

Ikinakabahala nito ang mga chronic renal patients dahil sila ay itinataboy sa ibang mga pasilidad.

 

Magugunitang umabot na sa 174 na mga nurses, neprhologist, internist at medical technologist ang nagpositibo sa coronavirus sa NKTI. (Daris Jose)

COVID cases sa PH, hindi malabong pumalo ng 76,000 sa Agosto’ – UPLB expert

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinangangambahan ng isang eksperto mula University of the Philippines Los Banos (UPLB) na maaari pang tumaas ng hanggang 76,000 ang kabuuang bilang ng covid-19 sa bansa sa buwan ng agosto.

 

Dahil na rin ito sa nakikitang patuloy na pagtaas ng kaso ng deadly virus kada araw.

 

Inihalintulad ni UPLB Assistant Dr. Darwin Bandoy ang kasalukuyang lagay ng Pilipinas sa Estados Unidos na nangunguna pa rin sa mga bansang may mataas na covid-19 cases na ngayon ay pumalo na ng mahigit 3.8 million.

 

Malaki umano ang ambag dito ng pagtaas ng testing capacity ng bansa.

 

Sa kabilang banda, bahagyang bumaba naman ang case fatality rate na kanilang naitatala. mula raw kasi 6% noong Hunyo ay nasa 2% na lamang ito ngayon. Ibig sabihin lamang nito ay nag-improve ang healthcare system ng bansa.

 

Habang nakakita naman sila ng muling pagtaas sa positivity rate kung saan itinuturong dahilan dito ang muling pagbubukas ng ekonomiya ng Pilipinas at community transmission.

 

Saka lamang daw malalaman na umuunti na ang bilang ng nagkakasakit sa oras na bumaba na rin ang positivity rate. Kung tumaas naman ang bilang ay maikokonekta ito sa expanded testing na ginagawa ng Department of Health (DOH).

 

Samantala, nilinaw naman ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi sapat ang antibody test na gamitin mag-isa upang ma-rule out kung may COVID ang isang tao o wala. (Gene Adsuara)

Pdu30, magso-SONA sa Batasang Pambansa

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PISIKAL na ide-deliver ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang ika- 5 na State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Hulyo 27.

Nauna na itong inanunsyo ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III noong nakaraang linggo.

“I can confirm for the first time that the President will be physically present in Batasan for the SONA pagdating sa ika-27 ng buwan na ito,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“Naka-schedule po ang rehearsal at patuloy po ang preparasyon,” dagdag na pahayag nito.

Matatandaang, sinabi ng Malakanyang na kinukunsidera nila ang video conferencing mula sa Malacañang para sa SONA ni Pangulong Duterte.( Daris Jose)

 

Paulo Costa at Israel Adensaya maghaharap na sa UFC 253

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Maraming UFC fans na ang nasasabik sa paghaharap nina middleweight world champion Israel Adesanya at Paulo Costa.

 

Pumirma na kasi ang magkabilang kampo para sa kanilang paghaharap sa Setyembre 19 sa UFC 253 event.

 

Ito na ang pangalawang pagdepensa ni Adesanya sa kaniyang UFC middleweight world title na ang una ay ang panalo laban kay Robert Whittaker sa UFC 243 noong Oktubre 2019.

 

Noong nakaraang mga buwan sana ang paghaharap ng dalawa subalit dahil sa injury ay ipinaubaya na lamang ni Costa ang laban kay Yoel Romero sa main event ng UFC 248.

Mas mahigpit na precautionary measures, ipatutupad sa ‘face-to-face’ classes – DepEd

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Handa ang Department of Education (DepEd) sa mahigpit na pagpapatupad ng precautionary measures at kinakailangang health standards sakaling pahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes.

 

Tugon ito ng kagawaran sa mungkahi ng ilang mga mambabatas at mga sektor na dapat ay payagan na ang limitadong face-to-face classes sa mga low-risk areas o mga lugar na walang naitatalang kaso ng COVID-19.

 

Sa isang pahayag, sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones, tanging ang Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makakapagpasya kung papahintulutan na nito ang limited face-to-face classes sa piling mga lugar.

 

“Our preparation for SY 2020-2021 is consistent with this directive as we gear up our learning delivery modalities towards distance learning nationwide. Our field units have been developing materials for modular, online, and TV- and radio-based instructions while our teachers and parents are being trained for this new normal in education,” wika ni Briones.

 

Giit ni Briones, ang face-to-face option ay posible lamang sa mga very low risk areas o mga liblib at malalayong lugar na walang history ng COVID infection.

 

Kung magbigay din ng go signal ang Pangulong Duterte, kinakailangan magkaroon ng proper risk assessment ang anumang uri ng face-to-face learning delivery at dapat din tiong tumalima sa umiiral na health protocols.

 

Dagdag nito, maaari rin daw na maghanap ng malalawak na mga espasyo sa komunidad na malapit sa eskwelahan para sa pagsasagawa ng klase para masunod ang physical distancing.

 

Dapat din aniyang masunod ng naturang mga paaralan ang mga programa na nagsusulong ng good hygiene at mental health resiliency.

 

Maliban dito, kailangan ding magtayo ng mga designated na isolation areas sa mga paaralan at tanggapan, habang ang mga estudyante, guro, at kawani na papasok sa school o office premises at dapat na nakasuot ng face mask.

 

Regular din umano dapat ang isasagawang disinfection sa naturang mga gusali.

 

“Though our preparations, and with the continuous collaboration with communities, our commitment to protect the health, safety and well-being of learners, teachers and personnel remains our topmost priority, with or without the greenlight for limited face-to-face classes,” ani Briones. (Ara Romero)

Ads July 22, 2020

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Taulava swerte kay Guiao

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ipinagmalaki ni veteran Philippine Basketball Association (PBA) star Asi Taulava na umikot ang kanyang career bilang basketbolista kay coach Yeng Guiao.

 

Sa kwento ni Asi, bago pumasok sa PBA bilang direct-hire ng Mobiline noong 1999, nagsimula umano ang kanyang career sa Pilipinas sa paglalaro sa Blu Detergent sa Philippine Basketball League (PBL) VisMin Cup, isang pocket tournament na hindi sakop ng regular nitong torneo.

 

“It’s crazy when we go back to 97, 98 when I was an amateur. And guess who was the PBL commissioner at that time?,”  kwento ni Taulava.

 

Ayon sa ulat, si Guiao ang PBL commissioner noon, na habang nagko-coach sa PBA ay nagsisilbing commissioner ng PBL mula 1997 hanggang 1999.

 

Ngayong 2020, inaasahang magreretiro si Taulava sa NLEX Road Warriors na nasa ilalim pa rin ni coach Guiao simula pa noong 2016 kung saan naglalaro na sa koponan si Taulava.

 

Ayon sa Fil-Tongan na si Taulava, marami umano itong rason para magpasalamat kay Guiao, hindi lang dahil sa pagbibigay simula sa kanyang career bagkus dahil sa oportunidad na maglaro sa edad na 47 sa NLEX sa ilalim pa rin ng kanyang pamamahala.

 

“I’ve been around with coach Yeng so long, like over 20 years. He was the commissioner at that time. He had a lot to do with it. His innovation, the way he projected, and what he want for the PBL to be played in the provinces and not just sitting at the Makati Coliseum. Everytime we had tournaments, he will move it out to the provinces,” ani Taulava.

 

Sa ilalim ng gabay ni Guiao, sumikat ang PBL matapos nitong bigyan ng permanenteng bahay ang liga sa Makati Coliseum at broadcast tie-up sa Vintage Sports.

 

“Dahil sa effort ni Guiao sa PBL, naging makinang umano ang kanyang career at naging malaking tulong maging sa ibang manlalaro na gustong pumasok sa PBA draft,” ani Taulava.

 

“That’s where we started picking up our following. Next thing you know, the PBA and the media started picking up on it and we got a lot more attention. It helped us,” kwento pa ni Taulava.

 

“Coach Yeng did a great job marketing us in the amateurs and they gave us the opportunity to become the persons that we are today,” hirit pa nito.

Pagkamatay ng mga high profile inmates sa NBP, iimbestigahan

Posted on: July 22nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Welcome umano kay Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag ang direktiba ng Department of Justice (DoJ) na pumasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng mga high profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP).

 

Una rito, nagpalabas ang DoJ ng departm order (DO) para magsagawa na ang NBI ng malalang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga high profile inmates.

 

Base sa DO 179 na pirmado ni Justice Sec. Menardo Guevarra, binigyan lamang niya ang NBI ng 10 araw para imbestigahan ang kontrobersiyal na isyu.

 

Inatasan din niya si NBI Officer-in-Charge (OIC) Eric B. Distor na magsumite ng progress report sa tanggapan mismo ng justice secretary kapag natapos na ang isinasagawang imbestigasyon.

 

Kapag nakitaan daw ng sapat na ebidensiya kung meron man ay kailangang sampahan ng NBI ng karampatang kaso ang mga sangkot sa insidente.

 

Kahapon nang magtungo si Bantag sa DoJ mtapos siyang ipatawag ni Guevarra dahil sa pagkamatay ng mga high profile inmates na kinabibilangan ni Jaybee Sebastian na tumestigo noon laban kay Sen. Leila de Lima dahil sa paglaganao daw ng iligal na droga sa loob ng pambansang piitan.

 

Sinabi naman ni Guevarra na na sumentro ang pagpupuong nila ni Bantag sa sitwasyon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa BuCor.

 

Kabilang na raw dito ang pagkamatay ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na humaharap sa mga kasong may kinalaman sa illegal drugs.

 

Ayon daw kay Bantag, 21 na PDLs ang kumpirmadong namatay dahil sa coronavirus mula noong buwan ng Marso.

 

Siniguro naman daw ni Bantag na under control na ang health situation sa BuCor.

 

Sa ngayon, nasa limang PDLs na lamang daw ang nasa isolation facility ng NBP o mas kilalang Site Harry.

 

Ang Site Harry ang pinakamalaking quarantine at isolation facility sa BuCor na mayroong 300 bed capacity.

 

Ipinarating din umano ni Bantag na ang sinusunod nilang protocol ay ang mandatory cremation ng mga bangkay sa loob ng 12 oras para mapigilan ang pagkalat pa ng virus.

 

Kaya naman agad daw isinailaim sa cremation ang bangkay ni Sebastian 12 oras matapos itong mamatay. (Daris Jose)