2 drug suspects kulong sa P70K tobats sa Navotas
- Published on November 1, 2024
- by @peoplesbalita
SA kulungan ang bagsak ng dalawang drug suspects matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jomboy”, 31, ng Tondo, Manila at alyas “Bibe”, 37, ng lungsod.
Ayon kay Col. Cortes, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr ang buy bust operation kontra sa mga suspek matapos ang natanggap nilang impormaston hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga ito.
Inaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng SDEU matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-11:51 ng gabi sa Tanigue St., Brgy. NBBS Dagatdagatan.
Ani Capt. Rufo, nakumpiska nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.42 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P70,856.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Pinas, igigiit ang lahat ng karapatan laban sa bagong batas ng China
IGIGIIT ng Pilipinas ang lahat ng karapatan nito patunay sa diplomatic protest na inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa bagong batas ng China na nag-uutos sa kanilang Coast Guard na maaaring gumamit na ng dahas o armas laban sa mga dayuhang barko na pupunta sa kanila teritoryo sa South China Sea. […]
-
Nahulog sa kama at nabagok: Sikat na impersonator na si WILLIE, pumanaw na
PUMANAW na ang impersonator, satirist, and comedian na si Willie Nepomuceno sa edad na 75. Sa Facebook in-announce ang pagpanaw ni Willie Nep. “To our family, loved ones, and friends, it is with deep sadness and heavy heart to announce the passing of our beloved father, WILLIE NEPOMUCENO on July 26, […]
-
PDu30, hiniling sa publiko na makinig sa mga eksperto sa harap ng pagtaya na magka-COVID surge
UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag sanang mas marunong pa sa mga eksperto at sa halip ay makinig sa mga ito. Sinabi ng Pangulo na nakarating sa kanyang kaalaman ang nakaambang na COVID surge na una ng ibinababala ng mga eksperto. Kaya ang hiling ng Pangulo sa […]