PBBM, nakipagpulong sa BARMM governors para pag-usapan ang kapayapaan at kasaganahan — PCO
- Published on November 5, 2024
- by @peoplesbalita
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga gobernador ng Bangsamoro region para talakayin ang mga usapin na may kinalaman sa daan patungo sa kapayapaan at kasagaan sa autonomous area.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) The PCO, kasama ng Pangulo sa naturang pagpupulong sina Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. at Mindanao Development Authority Chairman Leo Magno kasama ang mga gobernador ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“A wide range of issues, centering on peace and prosperity in the region, were discussed during the meeting,” ayon sa PCO.
Ang pahayag na ito ng PCO ay isang araw matapos ang paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa first-ever parliamentary elections sa BARMM sa 2025 ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 4.
Nauna rito, sa isang panayam, sinabi ni Comelec Chair George Garcia na nag-deploy na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ng kani-kanilang mga tauhan sa Bangsamoro region para tumulong na tiyakin ang kapayapaan at seguridad sa BARMM COC filing process mula Nov. 4, araw ng Lunes, hanggang Nov. 9, araw ng Sabado.
Sa kabila ng winelcome naman niya ang pagtaas ng kamalayan ng pulis at militar, binigyang diin ni Garcia na hindi ito dapat tignan bilang tanda na kinokonsidera ng gobyerno ang BARMM bilang ‘hotbed’ para sa poll violence.
Sa nasabi pa ring pagpupulong, nagkaroon sina Pangulong Marcos at ang mga dumalo ng “productive and frank exchange of ideas on how to move forward the government’s development agenda for the Bangsamoro people” kasunod ng naging desisyon ng Korte Superma na nagdedeklara na ang Sulu ay hindi bahagi ng territorial jurisdiction ng BARMM.
Sinabi pa ng PCO na ang naturang pulong ni Pangulong Marcos sa BARMM leaders ay ‘consistent’ sa layunin ng administrasyon na ‘inclusive consultations’ sa lahat ng stakeholders.
“That kind [of] meeting with local leaders has been conducted by Malacañang officials since Day One of this administration pursuant to its vow to directly and regularly consult local leaders regardless of political affiliation,” ang sinabi pa ng PCO. (Daris Jose)
-
Paggamit ng public resources para sa personal interest, paglabag sa Code of Conduct
PAGLABAG sa Code of Conduct of Public Officials and Employees ang paggamit ng mga awtoridad sa government resources para sa kanilang personal interest. “Ang tanong dyan, pwede bang gamitin ang resources ng ating pamahalaan when clearly, this was a private function that was involved? In my opinion, that is not and should not […]
-
Ginang, mister huli sa aktong nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela
SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang ginang matapos maaktuhan nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 6 commander PLt. Armando Delima ang mga nadakip bilang sina Angeline Timosan, 53, at Rolando Tesorero, 54, construction worker at kapwa […]
-
SSS at Pag-IBIG members pwedeng mag-calamity loan
KAPWA nag-alok ng calamity loan ang Social Security System (SSS) at Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG sa mga miyembro na nasalanta ng bagyong Paeng. Ayon sa SSS, ang Calamity Assistance Package ay para sa mga miyembro at pensioners na nasalanta ng bagyo sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity. Kabilang […]