COVID cases sa PH, hindi malabong pumalo ng 76,000 sa Agosto’ – UPLB expert
- Published on July 22, 2020
- by @peoplesbalita
Pinangangambahan ng isang eksperto mula University of the Philippines Los Banos (UPLB) na maaari pang tumaas ng hanggang 76,000 ang kabuuang bilang ng covid-19 sa bansa sa buwan ng agosto.
Dahil na rin ito sa nakikitang patuloy na pagtaas ng kaso ng deadly virus kada araw.
Inihalintulad ni UPLB Assistant Dr. Darwin Bandoy ang kasalukuyang lagay ng Pilipinas sa Estados Unidos na nangunguna pa rin sa mga bansang may mataas na covid-19 cases na ngayon ay pumalo na ng mahigit 3.8 million.
Malaki umano ang ambag dito ng pagtaas ng testing capacity ng bansa.
Sa kabilang banda, bahagyang bumaba naman ang case fatality rate na kanilang naitatala. mula raw kasi 6% noong Hunyo ay nasa 2% na lamang ito ngayon. Ibig sabihin lamang nito ay nag-improve ang healthcare system ng bansa.
Habang nakakita naman sila ng muling pagtaas sa positivity rate kung saan itinuturong dahilan dito ang muling pagbubukas ng ekonomiya ng Pilipinas at community transmission.
Saka lamang daw malalaman na umuunti na ang bilang ng nagkakasakit sa oras na bumaba na rin ang positivity rate. Kung tumaas naman ang bilang ay maikokonekta ito sa expanded testing na ginagawa ng Department of Health (DOH).
Samantala, nilinaw naman ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi sapat ang antibody test na gamitin mag-isa upang ma-rule out kung may COVID ang isang tao o wala. (Gene Adsuara)
-
Video nina GRETCHEN at ATONG sa isang sabungan, nag-viral sa social media
NAG-VIRAL sa social media sa isang video kunsaan nakitang magkasama sina Gretchen Barretto at Atong Ang sa isang sabungan. Nai-share ng 5,000 times ang naturang video noong ma-post ito sa Facebook. Sa naturang video na nakunan noong nakaraang July 30 sa event na 12-Stag Derby (4 Stag Prelim), si La Greta […]
-
Kai Sotto babalik muli ng PH para sa Fiba Asia Cup qualifiers
Inaasahang darating sa pilipinas ang 7-foot-3 basketball prodigy na si Kai Sotto upang maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga. Ang 19-anyos na na si Sotto ay una nang pumirma sa koponan na Adelaide Tigers na naglalaro sa Australian professional league ay kinailangan munang sumailalim […]
-
75k trabaho sa mga Pinoy, nakaabang na sa ngayon- DOLE
TINATAYANG nasa may 75,000 na mga potensiyal na trabaho ang naghihintay sa mga Filipino. Bunga ito ng mga naging pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa labas ng bansa. Sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa press briefing sa Malakanyang na manggagaling ito sa sektor ng enerhiya kabilang na ang renewable […]