Kian Bill inihain sa Kamara
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
INIHAIN sa Kamara ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang “Kian Bill” o ang Public Health Approach to Drug Use Act na naglalayong magpatupad ng makataong solusyon sa problema sa droga sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga indibidwal.
Ayon kay Cendaña, ang kaniyang panukala ay magsisilbing 180 degree turn mula sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagpatupad ng bloody drug war na ikinasawi ng libu-libong pinaghihinalaang drug personalities.
“The Kian Bill prevents the killing of more innocent Kians. The proposed law bans the use of Tokhang or drug lists, torture, unlawful police interference, and other cruel methods used in the drug war,” anang solon.
Magugunita na ang noo’y 17-anyos na si Kian de los Santos ay napaslang sa anti-drug operations sa Caloocan City noong Agosto 2017 kung saan matapos ang ilang taon ay nahatulan ng murder ang tatlong pulis na sangkot sa pagpatay sa nasabing binatilyo.
Sa depensa ng mga pulis nanlaban umano ang biktima pero pinasubalian ito ng CCTV footage na nakitang hinila ito sa madilim na lugar sa kabila ng pagmamakaawa ng biktima saka pinagbabaril.
Ang Kian Bill ay may counterpart na panukala sa Senado na inihain ni Sen. Risa Hontiveros. (Vina de Guzman)
-
World champ sprinter Coleman iaapela ang 2-year ban
IAAPELA umano ni world champion sprinter Christian Coleman ang ipinataw sa kanyang two- year ban sa athletics bunsod ng anti-doping violations, ayon sa kanyang manager. “The decision of the Disciplinary Tribunal established under World Athletics Rules is unfortunate and will be immediately appealed to the Court of Arbitration for Sport,” ani Emanuel Hudson. […]
-
DOST turns over e-scooters to Cauayan City for “smarter mobility”
THE Department of Science and Technology (DOST) has recently turned over seven electric scooters (e-scooters) to the Cauayan City government in Isabela for pilot testing. DOST Secretary Fortunato de la Peña said the e-scooter project also aims to empower the city’s tourism services aside from being a cleaner mode of transportation. He emphasized the […]
-
Bukod sa nag-e-enjoy din sa pagpi-piano… DINGDONG, happy and proud sa bagong discovery ni ZIA na pangangabayo
NAKIPAG-BONDING ang Dantes Squad, ang mag-asawang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa GMA boss na si Attorney Annette Gozon-Valdez, Kim Atienza at iba pang mga kaibigan nila sa Leviste Equestrian Park noong Linggo. Halatang natuwa at proud si Dingdong sa anak nila na si Zia […]