LeBron James nananatiling highest-paid NBA player ng Forbes
- Published on October 23, 2024
- by @peoplesbalita
HAWAK pa rin ni Los Angeles Lakers star LeBron James ang may titulong highest paid na manlalaro sa NBA.
Ayon sa Forbes, na ito na ang pang-11 na taon na hawak ni James ang nasabing titulo.
Ngayong 2024-25 season kasi ay mayroon itong $48.7 milyon na sahod at estimated na $80-M taunang kita mula sa mga endorsements, licensing, memorabilia at ilang mga business endeavors.
Ang kaniyang kabuuang $128.7 milyon ay siyang pinakamataas sa loob ng 15 taon sa kasaysayan ng NBA ranking ng Forbes.
Nahigitan nito ang kaniyang kabuuang kita noong nakaraang taon na mayroong mahigit $124.5 milyon.
Nagsimula si James na mapabilang sa listahan noong 2014-15 ng mayroon itong kita na $64.6 milyon na yaman kada taon.
Nasa pangalawang puwesto naman si Golden State Warriors star Stephen Curry na mayroong yaman na $105.8-M, pangatlong puwesto si Kevin Durant ng Phoenix Suns na mayroong $99.9-M , pang-apat na puwesto si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo na mayroong kita na $93.8-M at pang-limang puwesto si Damian Lillard na mayroong kita na $64.8-M.
-
Japanese boxer Naoya Inoue pinabagsak si Butler
Pinatumba ni Japanese boxing superstar Naoya Inoue si Paul Butler sa kanilang laban na ginanap sa Ariake Arena sa Koto-Ku, Japan. Sa simula pa lamang ng unang round ay pinaulanan na ni Inoue ang mga suntok ang kalaban nito. Tumuloy ang pagpapakawala ng Japanese boxing star ng body shots at top […]
-
Vaccination stickers sa mga bahay, suportado ng DOH
Suportado ng Department of Health (DOH) ang istratehiya ng ilang lokal na pamahalaan na kabitan ng ‘vaccination stickers’ ang mga bahay o establisimiyento na ang mga nakatira ay mga ‘fully-vaccinated’ na kontra sa COVID-19. Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kung isa ito sa istratehiya ng mga lokal na pamahalaan na […]
-
19% lang ng mag-aaral ang fully vaccinated bago pasukan — DepEd
UMAABOT lamang sa 19 percent ng mga mag-aaral ang fully vaccinated laban sa COVID-19 bago magsimula ang pasukan sa Lunes. Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, ang naturang porsiyento ay mula sa tala ng Department of Health (DOH). Aniya, ang mababang bilang ng mga mag-aaral na fully vaccinated ay dahil ang […]