• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Japanese boxer Naoya Inoue pinabagsak si Butler

Pinatumba ni Japanese boxing superstar Naoya Inoue si Paul Butler sa kanilang laban na ginanap sa Ariake Arena sa Koto-Ku, Japan.

 

 

Sa simula pa lamang ng unang round ay pinaulanan na ni Inoue ang mga suntok ang kalaban nito.

 

 

Tumuloy ang pagpapakawala ng Japanese boxing star ng body shots at top punches laban sa English boxer hanggang pagdating ng round 11 ng ipahinto na ng referee ang laban.

 

 

Dahil sa panalo ay naging unang undisputed bantamweight champion si Inoue.

 

 

Mayroon na siyang WBC, WBA, WBO at IBF bantamweight world champions si Inoue na siyang unang Japanese boxer sa kasaysayan na magkaroon ng apat na titulo mula sa major sanctioning body.

 

 

Mayroong record na ito na 24 panalo at walang talo na mayroong 21 knockouts habang si Butler ay bumagsak ang record sa 34 panalo, tatlong talo na may 15 knockouts. (CARD)

Other News
  • Binalikan ang aksidente habang nagti-taping: KATRINA, hindi gagawing libangan ang pagmo-motor

    MAGANDA raw ang sitwasyon sa pagitan nina Joem Bascon at Willie Revillame bilang magbiyenang ‘hilaw’, dahil hindi pa kasal ang aktor at si Meryl Soriano.     Lahad ni Joem, “Masaya naman po, pero now hindi namin siya masyadong nakikita kasi masyado pa po yatang busy.     “Waiting lang naman po ako kay Meme, […]

  • PH Alex Eala bumaba ang world rankings bago sumabak sa US Open

    Bahagyang bumaba ang world rankings ni Alex Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) bago pa man ang kanyang pagbabalik sa juniors para sa prestihiyosong US Open na gaganapin sa September 6-11, 2021 sa New York.     Sinasabing kabilang sa dahilan ay ang halos kawalan ng events sa women’s pro circuit . Ang Filipina sensation […]

  • PDu30, handang pondohan ang imbensyon ng oral COVID-19 vaccine

    HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pondohan ang imbensiyon na oral COVID-19 vaccine ni Dr. & Rev. Fr. Nicanor Austriaco, OP, Professor of Biological Sciences.   Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi nito na kung makikita na epektibo at ligtas ang oral COVID-19 vaccine na imbensyon ni Fr. Austriaco ay […]