• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippines bets may 2 golds sa Asian Open

HUMATAW ang national muaythai team ng dalawang gintong medalya sa 2024 IFMA Asian Open Invitational Cup na ginanap sa Taipei, Taiwan.

 

 

Inihayag ng Muaythai Association of the Philippines (MAP) ang panalo nina Ejay Galendez at Floryvic Montero na parehong umani ng gintong medalya sa kani-kanyang dibisyon.

 

Namayagpag si Ga­lendez sa men’s under-23 60-kilogram division kung saan pinataob nito sa finals si Sonthaya Phophet ng Thailand.

 

 

Sa kabilang banda, nagreyna naman si Montero sa women’s 51 kg elite class division.

 

Maliban sa dalawang ginto, may tatlong pilak at isang tansong medalya rin na naiuwi ang Pinoy bets sa torneong nilahukan ng matitikas na fighters sa rehiyon.

 

Galing ang pilak kina Mathew Blane Comicho sa men’s U23 67 kg division, Leo Albert Pangsadan sa Men’s Combat 48 kg Elite division at LJ Rafael Yasay sa Men’s 51 kg division.

 

 

Nasiguro naman ni Eunicka Kaye Costales ang nag-iisang tanso ng dele­gasyon mula sa women’s U23 54 kg division.

 

Other News
  • HEART, gusto na talagang mabuntis ‘di lang sila makatiyempo ni CHIZ

    SA latest vlog ni Heart Evangelista – Escudero sinagot niya ang ilan sa ‘craziest rumors’ na pinadala ng kanyang followers sa kanyang IG account.     Isa nga sa sinagot ang tsikang may pinaretoke siya sa kanyang face particularly sa ilong at eyelid.     Kaya muling sinagot ng sikat ng fashion icon ng bansa […]

  • SSS tumatanggap na ng aplikasyon sa online para sa unemployment benefits

    Good news para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) na nawalan ng trabaho dahil sa krisis dala ng COVID-19 pandemic.   Binuksan na ngayon ng SSS ang pagtanggap sa aplikasyon online para sa unemployment benefit.   Ayon kay SSS president at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, maaaring mag-qualify para sa unemployment benefits ang […]

  • Australian Olympian break dancer Rachel Gunn nag-sorry na sa breakdancing community ng kanilang bansa

    HUMINGI na ng paumanhin si Australian Olympian Rachael Gunn sa breakdancing community ng kanyang bansa.     Kasunod ito sa kontrobersiya na kaniyang kinaharap noong lumahok siya sa Paris Olympics.     Nabigo kasi siya sa B-Girls competitions ng magtala ng zeo points.     Dagdag pa ng 36-anyos na breakdancers na nalulungkot siya na […]