• June 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEART, gusto na talagang mabuntis ‘di lang sila makatiyempo ni CHIZ

SA latest vlog ni Heart Evangelista – Escudero sinagot niya ang ilan sa ‘craziest rumors’ na pinadala ng kanyang followers sa kanyang IG account.

 

 

Isa nga sa sinagot ang tsikang may pinaretoke siya sa kanyang face particularly sa ilong at eyelid.

 

 

Kaya muling sinagot ng sikat ng fashion icon ng bansa ang tungkol dito.

 

 

“I didn’t, ang kulit. I didn’t nga. I didn’t get it done. It’s not that I have anything against plastic surgery. I’m for it. I have friends that have done it and relatives and I’m super, duper supportive,” pahayag ni Heart.

 

 

Kaya ayaw niya, First, because I started really young in showbiz. So I’m so conscious about changing or altering my image.”

 

 

Habang tumatanda ay talaga namang nagbabago ang itsura ng isang tao lalo na sa face, kaya sasabing baka nga may pinabago ang isang artista.

 

 

“The collagen, you have less baby fat on your face, your face is more contoured. Also when you lose weight, that changes a lot.

 

 

“There are a lot of ways to change the way you look. Age again is one, what you eat, sodium is such a big difference. When you cut that out, the bloating is gone. I really didn’t,” paliwanag pa ng aktres.

 

 

Open naman si Heart na magpa-enhance ng mukha kapag tumanda na siya.

 

 

“I don’t mind getting Botox when I’m older. I don’t mind changing a few things when I’m older. I hope I don’t scar because I scar bad. I’m really for it but I just didn’t have anything done,” sabi pa ni Heart.

 

 

Sa tanong na kaya ayaw na niyang mabuntis dahil ayaw na masira ang kanyang katawan.

 

 

“Although I am very very careful with my body, to be honest I am, because I am 5’2” this is my business. This is my job.  I’m pressured also, so, I’m not gonna deny that.

 

 

“But for me not want to have a baby because of that, parang it’s a no. Hindi naman ganun kagrabe.

 

 

“That was my fear before. But the moment I got pregnant, parang wini-welcome mo siya. I know, it’s not really my issue.

 

 

“I am more scared of the epidural, ganyan. Breastfeeding nga can make you lose weight, di ba?”

 

 

Dagdag pa niya, “That’s if kung nabubuntis ako, ang tagal na ko nang ‘di nabubuntis. Ano ba ‘to?

 

 

“Diyos ko, after na pandemic, mag-o-option C na ako dahil nag-B na ako. C na tayo, wait lang kayo dyan.

 

 

“Bigyan lang natin ‘to ng chance. Kasi nga pag dumarating si Chiz, tapos na yun week na fertile ako, kaya nakakainis.

 

 

“You know, it’s not easy to get pregnant ha. You have only few days, the window is like three to five days, three days max.

 

 

“Eh, pag nagka-bagyo, nandun si Chiz (sa Sorsogon). Selfish ba ako? Pag nandun siya, magda-drive ba siya ng 9 hours para nandito siya the next day sa window na puwede akong mabuntis.

 

 

“Wala talaga, mahirap ang situasyon.  So, after the pandemic guys, hintay na kayo.

 

 

“And stop asking if I’m buntis because I’m not.

 

 

“Sometimes it make me sad, but I’ve accepted it. Because I’m just very grateful with life and it will come in the right time.”

 

 

Marami pang nakaka-intrigang ‘crazy rumors’ na sinagot sa kanyang vlog.  (ROHN ROMULO)

Other News
  • PBBM, gustong baguhin ang pagtutok sa general public health sanhi ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit

    NAIS ni  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na baguhin ang pagtutok sa mga alalahanin na may kinalaman sa general public health  bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit maliban sa  COVID-19 sa bansa.     Nabanggit ng Pangulo ang bagay na ito sa pakikipagpulong nito kay World Health Organization director general Dr. […]

  • Marcos dadalo sa coronation ni King Charles III

    DADALO  si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa coronation ni King Charles III sa Mayo.     Ayon kay Ambassador Teodoro Locsin Jr., ang koronasyon ni King Charles at Queen Consort Camilla ay gaganapin sa Westminster Abbey sa Mayo 6, 2023 na pamumunuan ni Archbishop of Canterbury Justin Welby.     Sinabi ni Locsin na […]

  • Top 3 most wanted person ng Navotas, nakorner sa Caloocan

    NALAMBAT ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang 22-anyos na lalaki na nasa top 3 most wanted person sa Navotas sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni DSUO chief PLTCOL Robert Sales ang naarestong akusado na si alyas “Badjao” ng Brgy. […]