PBBM, itinalaga si Richard Fadullon bilang bagong NPS chief
- Published on November 7, 2024
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si prosecutor Richard Fadullon bilang prosecutor general ng National Prosecution Service (NPS).
Pinalitan ni Fadullon si dating Prosecutor General Benedicto Malcontento, nagretiro mula sa kanyang tungkulin noong Oktubre matapos ang limang taon sa serbisyo.
Bago pa ang kanyang appointment, si Fadullon ay nagsilbi bilang senior deputy state prosecutor para sa ilang taon.
Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na nagsilbi si Fadullon sa departamento sa loob ng 30 taon mula April 1994.
Sinabi ng DOJ na nakompleto ni Fadullon ang kanyang undergraduate course na AB Political Science sa UP Diliman noong 1983 at nakuha ang kanyang law degree mula San Beda College noong1987.
Samantala, nagpahayag naman ng kanyang kumpiyansa si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kay Fadullon.
“I am extremely confident in your skill, experience, and resolve that you are the perfect fit for the title of Prosecutor General capable of upholding the rule of law with fearlessness and utmost integrity,” ang sinabi ng Kalihim. ( Daris Jose)
-
Dream come true na mapasama sa docu-series ng ’24 Oras’: TV heartthrob na si ANJO, puwede nang sumunod sa yapak ni ATOM
DREAM come true para kay sa GMA weatheman-turned-TV heartthrob na si Anjo Pertierra nang maging parte siya ng documentary series para sa 24 Oras. Puwede na ngang sumunod si Anjo sa yapak ni Atom Araullo na isang award-winning documentaries na pang heartthob din ang image. Mahilig daw talaga ang ‘Unang Hirit’ host […]
-
KIM, napa-OMG! nang mag-comment si SHARON na pumuri sa kahusayan nila ni JERALD
NAPA-OMG! si Kim Molina nang bigyan pansin ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang naging reaksyon sa trending na trailer ng Revirginized na pinost ni Direk Darryl Yap na wala pang isang araw ay naka-5 million views na. Sa FB post ni Kim, “OG!!!!! Madam Dorinaaa. Balutin mo po ako ng hiwaga ng iyong […]
-
2 kelot arestado sa pagnanakaw ng cellphone sa Navotas
BINITBIT sa selda ang dalawang kelot matapos arestuhin ng pulisya makaraang ireklamo ng pagnanakaw ng cellphone sa Navotas City. Kasong paglabag sa Art 308 of RPC (Theft) ang isinampa ng pulisya laban sa mga naarestong suspek na sina alyas Ronel, 18, at alyas Emir, 20 kapwa resident ng lungsod. Sa imbestigasyon […]